#15: Unang iyak

108 5 0
                                    

Bago ko pa pala malaman ay nalaman na ni mama. Alam narin pala ng ibang estudyante sa school namin dahil kumalat na iyon sa facebook.

Pero tahimik lang ang school para protektahan ang privacy ko. Kumain tuloy ako sa canteen kahit hindi naman ako kumakain ng recess, dahil puro carbohydrates ang mga tinda. Hays, nakakatakot kayang tumaba baka matulad nanaman ako sa- ah wala.


Sabi ni mama itratransfer na lang ako sa ibang school para di lumaki ang issue. Buti na lang di katulad sa mga ibang nanay na magiiskandalo talaga sila.

Umiyak sa harap ko si mama at tinatanong kung bakit ko raw na gawa yun sa kanila? mali ba ang pagpapalaki nila sakin? Wala akong nasagot sa kanya.  So all this time hindi pala sila naniniwala saakin.

Kahit na pinaliwang ko na hindi ako yun, hindi sila naniwala. Yun ang unang nakita si mama na umiyak sa harap ko. Hindi ko pa alam kung saan ako itratransfer. Last monday ang pasukan pero magtratransfer agad ako.

Wala pang sinasabi si mama, kung saan. Pero maisingit ko lang yun isang linya ni mama ay nasama si Klarence, hindi ko lang masyadong naintindihan dahil pabulong lang ang pagkasabi niya at satingin ko wala siyang balak iparinig sa akin.

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon