#13: Dohee Aris

129 4 0
                                    

Dohee Aris, kala ko attendance ang pagtawag dun kay mabilis kong tinaas ang kamay ko. Tinatawag pala ako ni maam dahil kaylangan ako ng principal office. Malamang kukulitin nanaman nila ako para sumali sa Grade 10th representative. Chinecheer pa ako ng mga ibang kaklase ko.

Para maging mukhang hindi mataray ngitian ko na lang sila kahit nauurat na talaga ako. Lalo nat mga lalaki pa naman na kaklase ko ang nagchicheer sakin.

Ayoko na rin masyado nagiging popular baka matulad sa balita, na pinaslang ng isang stalker. Katulad nga dati lalo na sa pagdaan ko nang hallway lahat ng mata saakin na katingin.


Akala ko pinapatawag ako dahil para isama nila sa list ng, tatakbo sa election. Hindi pala. Tinawag nila ako dahil may nagbigay ng pictures na may kahalikan at bilang isang christian school pwede akong matangal kung hindi napatunayan na hindi ako nasa picture. Ayon na rin sa naging orientation nang school at pagsabi sa mga rules and regulations ng school na ito. Prohibited ang mga malalaswang picture na makakasira sa pangalan ng school. Maaring makick out school na ito.

Ako nga ang nasa larawan. Mukha ko nga yun. Pero magaling ang pag eedit ng picture na yon dahil kahit sinong estudyante ang tanungin sasabihin talaga nila ako yun.

Dahil wala man lang ako sinasamahan na lalaki ng gabi yon. Nakauniform din ako sa picture na yon. Sinabi ko naman ang totoo na umuwi ako pagkatapos agad ng klase kahapon. Akala nilang lahat nagsisinungaling ako. Sinundo pa nga ako ng driver ni mama. Impossibleng ako talaga yun. Paano na lang kung nalaman ni mama at nila papa. Paniguradong madidisappoint talaga sila.


Pero wala akong dapat ikatakot wala naman akong ginagawa masama. Yes i flirt, pero hindi ako humahalik ng kung sino lang.

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon