#20: Kaylangan magpakabait

110 6 0
                                    

Buti na lang lagi kong may baon na earphone sa bag ko. May ibang weirdong estudyante na dumadayo pa sa section namin at nagpapapicture pa sakin. Meron pa ngang naghingi ng autograph at pinasulatan ang uniform niya sakin at pangalan ng biased niyang si Chanyeol. Eh hindi naman ako artista. Pero alangan naman tanggihan ko sila, dahil baguhan lang ako sa school na ito.

Nakaupo pala ako sa harap ng bintana habang si Daniella naman na new found friend ko ay katabi ko Lagi siyang may kausap sa phone at nakakairita naman talaga dahil sumisigaw at tumatayo siya pagnanagalit siya. Ayon sa kwento niya may boyfriend siya. Hindi ko nga lang naalala kung sinabi niya ba yun pangalan.

At si Albert naman ay sa likod lng namin. Tahimik lang siya sa buong klase, kahit hindi naman siya ganun dati, dahil dati sinasagot pa ng niya ang mga elementary teachers namin. Nakakapanibago lang.

Nagpapasalamat talaga ako sa earphone ko ngayon araw. Ngayon lang sya nakatulong sakin.

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon