#31: Mang aakit

86 3 0
                                    

Nung monday, uwian na nun. Pinalibutan ako ng anim na babae sa isang iskinita dun malapit sa basurahan dahil toka ang pagtatapon ng basura.

Medyo madilim na rin ng mga panahon na yun. Wala na rin tao sa lahat ng room paalis na rin yun mga janitor at janitress.

Sobra akong natakot, dahil pinapalibutan nila at satingin ko mga higher grade sila ayon na rin sa id lace nila.

May isang babaeng sumambunot ng buhok ko. Sinubukan ko rin mahawakan ang buhok niya pero may isa pang pumigil nang mga kamay ko. Pinahiga nila ako.

At sinisigaw niyang mang aakit ako! May isang babae rin dinaganan ako, Sinampal sampal niya ako. Hindi ko na bilang kung ilang beses sinusubukan ko siyang pigilan dahil nakahiga ako at dagan dagan niya ako.Nakaramot ko siya malapit sa mata niya pero nasuntok niya ako.

May nakita pa akong babae na kinukuhanan ako ng video hindi ko na kita  siya habang ginagawa yun.

Gusto kong umiyak pero hindi ako nakaiyak dahil alam ko matapang ako.

May sinasabi siya habang sinasampal ako, pangalan ni JM, at ni Albert. Pero hindi ko na naintindihan ang iba.

Sinabihan niya rin akong malandi. Nung banda hinuhubadan na nila ako, sinubukan ko parin lumaban pero dahil mag isa lang ako laban sa anim, paniguradong talo ako.

Naalala ko, lang nung naramdaman kong may bumuhat sakin. At nagising na lang ako dahil sa hagugol ni mama nung nasa ospital ako kasama na buo yun pamilya ko. Niyakap ako ni mama. Nagsinuran na rin sila papa. Naiyak tuloy ako.

Na bullied ako.

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon