#16: Silent leave

104 5 0
                                    

Wala akong plano, hanapin ang dahilan kung bakit may gumawa nun sakin. Siguro sa lahat ng hula ko, ay ginawa yun dahil naiinggit sakin. Bakit hindi na lang sambutan dahil sa inis nila sakin.

Silent leave lang ng school, ang gagawin ko. Kumalat na din sa school na buntis ako. Ang galing talaga gumawa ng kwento ng school na yun. Dapat kinikick out din ng school ang rumors maker.

Kahit last day ko na, ay hindi ko pinapahalata na di na ako papasok sa school na yun. May nagbigay sakin ng bulaklak nung pumasok ako kanina ng school nakalimutan ko ang pangalan niya pero satingin ko nangliligaw na siya nung grade 9th ako.


May iba pa nga nagbigay ng letters na wag daw akong mawawalan ng pagasa, dahil mawawala rin raw ang issue. At malalaman kung sino ang nagpakalat nun.

Di ko tuloy mapigilan ang maawa sa mga manliligaw.

Alam ko yun iba sa kanila, ay gusto lang ako maging girlfriend dahil maganda ako. Pero satingin ko yun iba sa kanila ay sincere. Kagabi ko, binasted ko na silang lahat pero ngayon nandito parin sila magiging kaibigan daw nila ako.



Ang drama, plastik na lang ngiti ang binibigay ko at nakakangawit pala gawin yun maghapon. Bukas isasama na ako ni mama kung saan ako itratransfer, sana sa isang catholic school.

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon