Stupid Deal 29✨: Still Together

1.5K 41 2
                                    




Nagising ako ng may mabigat na bagay na naka patong sa—I mean damn, naka yakap sakin si Jake. Tinitigan ko ang mukha niyang gwapo.. he looks peace when he's sleeping. Tss, Halim talaga tumabi sakin may nalalaman pang sa sofa na ako chuchu.

Napapaisip ako. Bakit niya ba ako gustong pakasalan? May deal nanaman ba sila? M-minahal ko naman siya, but why did he fool me? Masakit ang dibdib ko tuwing naaalala kong sinaktan niya ako. I did all my best but why?

Napamulat siya, nakayakap parin siya sakin. Hindi ko alam kung bakit di ko tinanggal it is because I miss him? Damn.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Fuck, why are you crying?" He asked. Nagulat ako. Napahawak ako sa cheeks ko, and he's right. Umiiyak nanaman ako. Kasi masakit parin. Why do I love him so much?

"Hell? No! Im not crying!" I lied. Saka ko pinunasan ang mga luha ko. Pansin kong nag aalala siya. I saw in his eyes. Tss drama.

"Nahihirapan ka na bang makasama ako?" He asked and he's sad. Ramdam ko ang hinanakit sa boses niya. Di ako sumagot. "Do you want to go home? Are you hungry?" He asked. Wala akong ibang nagawa kundi tumango lang.

Tumayo na siya, "Alright. Wait me here okay?" Tumango naman ako, para akong tutang sumusunod sa kanya. Im no choice after all! Naka lock kami dito sa Villa, at sasabog na ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin, I fucking miss him. But I can't. Masasaktan lang ako.

Pumunta na ako ng kusina kumabog ang puso ko ng makita kong niluto niya lahat ng favorites ko, d-damn. Im hungry. Huhu.

"Eat." Sabi niya. Naka upo na ako naka handa na lahat, pero di pa din siya umuupo. Di ko ginalaw ang pag kain, psh. Di niya ba ako sasamahan?

"J-jake.." Tawag ko sa kanya. Kakahiya tss. "What? Do you need anything? Water you want—"

Kung ano ano pang sinasabi.

"Eat with me." Tipid na sabi ko, kumuha na ako ng rice, bacon and hotdog sa plato ko. Bahala siya diyan, shocks. I know ang pula pula na ng mukha ko ngayon.

Umupo na siya sa tapat ko, at kahit hindi ko siya nakikita, alam kong ang lapad ng ngiti niya ngayon. "You want to eat with me, it feels nice." Hawak niya yung dibdib niya at naka ngiti siya. Tss bwisit siya. Ang gwapo pag ngumingi—este parang halimaw! Tss! Kumain lang ako hanggang sa matapos ako.

"I want to go home, and I think the door is already opened." Sabi ko.

"I guess so, let's go mag ready kana." Sabi niya sakin. Nag suklay lang ako.

At totoo nga bukas na ang pintuan. Naka hinga naman ako ng maluwag. Sa wakas makakaalis na kami dito sa Villa resort na ito.

Bumaba na kami, sumakay na ako sa kotse niya. Pero may humarang. Halah? Anon bang problema ng mga ito? Kainis!

"Ah Sir.. Maam, di pa po kayo pwedeng umalis ng Villa sabi ng mga parents niyo."

"But why?" Naguguluhang tanong ko.

"Hihihi. Bubuo pa daw po kayo ng baby. So  sorry po, di pa po pwedeng buksan ang Villa dahil reserve niyo po ito ng two days." At wala kaming nagawa. Literal na napa nga nga ako. B-baby?! Damn. May anak ko! My son needs me for damn's sake!

Jake laughed. "Mommy talaga." Bulong niya, tss naririnig ko. Mukhang natutuwa pa tong timang na to, psh. No choice iniwan niya yung kotse niya ulit. Tss bwisit!

Isang gabi pa! Miss na miss ko na ang anak ko. I want to kiss and hug him so badly.

Binilisan ko ang lakad. I don't care naka heels ako eh. Naiinis ako ng sobra sobra! Arghh! Mas binilisan ko pa.

Stupid Deal (COMPLETED&EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon