Nagmaneho si Anna papuntang Starbucks upang bumili ng paborito nyang caramel macchiato. Pagbaba nya sa kotse ay napansin nyang nagsisimula ng bumukadkad ang mga bulaklak. (Salamat naman at tapos na ang winter.)
Pagpasok nya sa Starbucks ay hindi nya namalayan ang lalaking papalabas ng pinto."Oh no, I'm so sorry." Tinulungan ni Anna sa pagtayo ang lalaki. Napansin nya na may saklay ito. "I'm really really sorry, I should've paid more attention."
"No worries. I'm ok.", tugon ng lalaki
"Here let me help you up.", sabi ni Anna
"Thank you. By the way, my name is Rich.", sabay abot ang kanyang kamay
"Anna."
"You come here often don't you?", tanong ni Rich
"As a matter of fact I do. How did you know that?", tanong naman ni Anna
"I see you here once in a while. With your brother I assume.", nakangiting sinabi ni Rich
"Oh, Ralph. My boyfriend.", sagot ni Anna
"Boyfriend huh! So he's the lucky one. Anyway I gotta go. It's nice meeting you.", sabi ni Rich
"You too. And sorry again for slamming you with the door.", paumanhing sinabi ni Anna
"Like I said, no worries."
Makalipas ang ilang araw ay naisipang muli ni Anna na magpunta sa Starbucks. Nang makuha nya ang order nya ay agad itong umupo sa may bintana. Di nya namalayan na papalapit sa kanya si Rich."Anna!"
"Oh, hi Rich. Good to see you again. How are you today?"
"I'm good. Would you mind if I sat here?", tanong ni Rich
"No, go ahead!", hinintay ni Anna na makaupo si Rich sabay tanong, "Do you come here often?""Only when the weather is nice. You see, I can't drive. But I live a few blocks away from here.", wika ni Rich
"So do I. But I'm lazy so I still take my car."
Nagtawanan silang pareho. Makalipas ang isang oras na kuwentuhan.
"I should get going.", sabi ni Anna
"Ya, you should. Uhm, would you mind giving me a ride? I have to carry all these books that I bought on my way here.", wika ni Rich
Hindi nagdalawang isip si Anna. "Yeah, sure!"
Sa isang maliit na apartment nakatira si Rich. Tinulungan ito ni Anna na magbuhat ng mga libro.
"Come in. Take a seat.", alok ni Rich
"No, it's ok, I have to go.", sagot ni Anna
"I just need to get something. I'll be right back."
Pag-alis ni Rich ay nagmasid-masid si Anna sa loob ng apartment at laking gulat niya sa kanyang nakita. Mga larawan niya ang nakapaskil sa dingding. Hindi siya makapaniwala at agad siyang pinangunahan ng takot. Inisip nitong tumakbo palabas ngunit di nya namalayan na nasa likod na pala nya si Rich. Nanlaki ang mga mga ni Anna, ibang-iba ang itsura ni Rich, kulubot ang balat at nanlalagas ang kanyang buhok. Pinilit tumakbo ni Anna papalayo ngunit hindi sya makagalaw.
Saklolo!!!!