Engkanto

5.5K 58 10
                                    

Naglakad si Anna sa malawak na lupain na pag-aari ng pamilya Villamor. Nais niyang makapag-isip ng mag-isa. (Tama bang pakasalan ko si Edward?)

Una niyang narating ang makulay na harden sa may bakuran. Pula at dilaw na rosas, asul at puting hydrangeas na nagmula pa sa China, stargazer lilies at iba't-ibang uri ng orchids. Maaliwalas ang panahon nang araw na iyon. Tahimik at payapa. (Nakakagaan ng pakiramdam.)

Nagmasid-masid si Anna sa kaniyang paligid hanggang sa mapansin niya ang isang makitid na daan. Ngayon lamang niya ito napuna. Hindi siya nagdalawang isip na sundan ito hanggang sa matahak niya ang isang batis. Wala ni isang tao sa lugar na kaniyang tinahak. Malalaking puno lamang ang nandoon at bukod sa daloy ng tubig ay huni lamang ng ibon ang kaniyang naririnig.

Isang higanteng puno ang tumawag sa kaniyang atensyon. Dali-dali itong nilapitan ni Anna ngunit nang malapitan niya ito ay biglang nag-iba ang kaniyang paligid. Sa harap niya ay may dalawang bukas na pintuan na pinagmumulan ng ingay. Malakas na musika at tawanan ang kaniyang narinig. (Paano ako nakarating dito?)

Marahil ay mas makabubuti na siya ay umalis. Ngunit nagpasya si Anna na sumilip saglit, gusto lamang niyang makita ang kaganapan. Pumasok siya sa pinto at laking gulat niya sa kaniyang nakita. May mga diwatang nagliliparan, duwendeng nagsasayawan at (Kapre?). Nagmamadali siyang tumakbo patungo sa pinto ngunit paglingon niya ay bigla itong naglaho.

Hindi niya malaman ang kaniyang gagawin. (Ito ba'y panaginip lamang?) Pinilit niyang mag-isip ngunit takot ang bumalot sa kaniyang buong katawan. Nang bigla siyang may naramdamang mainit na hangin sa kaniyang likuran. Ayaw niyang lumingon ngunit kinakailangan. Pagpihit ni Anna ay isang tikbalang ang tumambad sa kaniyang paningin. Ngunit tila wala itong kamalay-malay sa presensya ni Anna. Ikinaway ni Anna ang kaniyang kamay at walang naging reaksyon ang tikbalang. (Hindi ba niya ako nakikita?)

Sinuyod ni Anna ang lugar upang hanapin ang daan pauwi. (Isang mala-palasyong kuweba?) Madilim sa loob ngunit maraming kumikinang na diyamante. Bigla siyang may narinig na maliliit na hakbang kaya't dali-dali itong nagtago sa likod ng malaking bato. (Bakit ba ako nagtatago eh hindi naman nila ako nakikita?)

Nagpatuloy si Anna sa paglalakad sa gitna ng kasiyahan. Nang biglang may pumulupot sa kaniyang binti. Nagsisigaw siya at pinilit niyang kumalawa sa bigkis ng baging. (Bakit biglang tumahimik?) Paglingon niya ay don lang niya namalayan na nakikita na siya ng lahat.

Biglang nagsidatingan ang mga kawal. Isa sa kanila ang humila kay Anna.

"Ano ang ginagawa mo dito? Sino ang nag-utos sa iyo?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko rin alam kung paano ako nakarating dito. Gusto ko lang malaman kung paano umuwi."

"Sinungaling!", sabay sampal kay Anna

"Anna! Anna!"

"Hmmm?"

"Anna, gising!"

"Oh my God, anong oras na?", sabay balikwas ni Anna

"Alas-otso ng umaga. Umuungol ka kasi kaya kita ginising.", sabi ng kanyang kapatid na babae

"Grabe, ang sama ng panaginip ko.", wika ni Anna



PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon