Tumakbo si Anna ng mabilis patungo sa unang gusali na kaniyang nakita. Nagmamadali ngunit dahan-dahan nitong binuksan ang pintuan. Isang abandonadong bodega ang kaniyang napasukan. Hinihingal siya sa pagod at kaba dahil napahiwalay siya sa kaniyang mga kasamahan. Napagdesisyunan niyang magtago sa likod ng isang istante. Ilang minuto ang nakalipas nang bigla siyang may narinig na kaluskos. Nataranta si Anna at nagsimulang tumakbo papalayo. Madilim sa loob ng gusali at hindi niya namalayan na may nakaharang sa kanyang dinaraanan. Natalisod siya nang hindi inaasahan, sa isang matigas at malamig na bangkay.
Nagsisisigaw si Anna nang biglang may tumakip sa kaniyang bibig.
"Anna, huwag kang maingay."Pamilyar ang boses na kaniyang narinig. "Mark, akala ko di na kita ulit makikita. Nasaan na sila aleng Martha at ang mga anak niya?"
"Napahiwalay ako sa kanila nong hinabol kami ng dalawang malaking gagamba. Walang may alam kung saan nanggaling ang mga ito. Mayroong nakapagsabi na nagbabahay sila sa isang kuweba na di kalayuan mula sa atin.", wika ni Mark"Marahil ay may bumulabog sa kanilang lungga. Hindi pa rin ako makapaniwala na lumaki sila ng ganoon. Nakita mo di ba?", tanong ni Anna
"Oo. Sa katunayan, isa sa mga nakita ko ay mas malaki pa sa akin. Nakakapangilabot isipin ang pinsalang kanilang idudulot.", tugon ni Mark
"Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?", tanong ni Anna habang nagmamasid sa paligid"Sa ngayon? Magtago at maghintay hanggang sa sumikat ang araw. Naalala ko ang sinabi ni mang Nicanor. Takot daw sila sa liwanag.", wika ni Mark
"Teka, paano niya iyon nalaman?", tanong ni Anna
"Sa tingin mo ba'y........" Biglang natigilan si Mark. "Anna, huwag kang gagalaw."Napansin ni Mark ang anino sa may di kalayuan. Isang malaking gagamba. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Kaagad siyang nag-isip ng susunod na hakbang. Naalala niya ang gaserang nadaanan niya sa loob ng bodega. Kinapa niya ang lighter sa kaniyang bulsa. Biglang sabi, "Anna, 'pag bilang ko ng tatlo, takbo."
"Okay! Okay!", naiiyak na tumugon si Anna
"Akin na ang kamay mo. Isa, dalawa, tatlo."
Tumakbo ng mabilis ang dalawa patungo sa silid kung saan nakita ni Mark ang gasera. Nang mamataan niya ito ay agad niyang sinindihan habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.
"Sa tingin mo, nasundan ba tayo?", tanong ni Anna
"Hindi naman siguro.", tugon ni Mark
Nang biglang may humila sa paa ni Anna at kinaladkad ito papalayo.
"Maaaaaark!!!!!!!"
Napabalikwas si Anna sa tunog ng alarm clock. Alas-singko na ng umaga.....Lunes.....trabaho na naman.