Rosaryo

6.8K 59 7
                                    

Dumadalaw si Anna sa probinsya ng kaniyang yumaong ama tuwing Semana Santa. At hindi naiiba ang taon na ito.

Naisipan niyang dumaan muna sa SM Edsa pagkagaling sa trabaho upang bumili ng ilang pasalubong para sa kaniyang lola at iba pang kamag-anak. Pagkarating ng bahay ay nagpasya siyang manood muna ng Maalaala Mo Kaya. Hindi niya namalayan na malalim na ang gabi kaya't minabuti niyang simulan ang pag-iimpake. Isa-isa nitong inihilera ang kaniyang mga damit, pasalubong, toothbrush, toothpaste at facial cleanser. Pasado alas-onse na siya natapos kaya't nagpasya na itong matulog.

Kinaumagahan, humigop siya ng mainit na kape kasabay ng pagkain ng pandesal at queso.

Nagpahatid siya sa kaniyang kaibigan sa terminal ng bus. Pagdating niya doon ay napansin niyang kokonti pa lamang ang nakapila sa bilihan ng tiket. Natuwa siya. Mabuti na lamang at maaga siyang makakarating sa probinsya.

Makalipas ang dalawang oras ay nagising si Anna sa ingay ng mikropono.

Biglang nagsalita ang drayber ng bus, "Hihinto po tayo dito saglit para mag-tanghalian."

Gutom na rin si Anna kaya't nag-desisyon itong bumaba. (Bago ang lahat, kailangan ko munang umihi.)

Umorder siya ng nilagang baka, bistek at isang tasang kanin. Bumili rin siya ng malamig na malamig na Coke bilang panulak.

Makalipas ang kalahating oras ay nagtawag na ang drayber ng bus.

Alas-kwatro na ng hapon nakarating si Anna sa bahay ng kaniyang lola.

"Anna, apo ko!"

"Mano po lola."

"Mabuti naman at nakadalaw ka.", nakangiti sinabi ng lola ni Anna

"Tradisyon na po ito para sa akin.", tugon ni Anna

"Pagod na pagod ka siguro. Magpahinga ka muna sa itaas at tatawagin na lamang kita kapag luto na ang hapunan.", wika ni lola

"Alin po ba ang kwarto na gagamitin ko?", tanong ni Anna habang papaakyat ng hagdanan

"Yong sa tita Baby mo. Total sa dorm sa ospital naman siya laging natutulog.", sagot ng kaniyang lola 

Pagkapasok ni Anna sa kwarto ay nagpalit kaagad ito ng damit at humiga sa kama ng nakadapa. Inilagay niya ang kaliwang kamay sa ilalim ng unan at doon ay nakapa niya ang isang rosaryo. Saglit niya itong sinilip at dali-daling ibinalik. Inayos niya ang kaniyang higa. Ngayon ay nakatitig na siya sa kisame. Dumidilim na sa labas at maya-maya ay unti-unti ng pumikit ang kaniyang mga mata.

(Bakit ang dilim? Anong oras na ba? Bakit hindi ako makagalaw? Tulong! Tulong!) Walang lumalabas na boses sa kaniyang bibig. Inisip niyang magdasal nang bigla niyang naalala ang rosaryo sa ilalim ng kaniyang unan. Pinipilit niya itong abutin ngunit hindi pa rin siya makagalaw. Nagsimula siyang magdasal. (Our Father in heaven......hindi ako makahinga!)  Bigla niyang napansin na may katabi siya sa kama. (Tita? Tita Baby! Tita Baby! Tulong!)

Biglang nagising si Anna at sa tabi niya ay mahimbing na natutulog ang kaniyang tita.


PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon