Kaharian

3.1K 33 1
                                    

Pinasok ng mga mandarambong ang palasyo ng hari habang natutulog ang lahat. Tatlong kawal ang nakahandusay katabi ng bukas na pintuan patungo sa silid kung saan nakatago ang mga ginto.

Pagalit na sinabi ng hari, "Gisingin ang lahat ng mga tauhan. Magbabayad ang sinumang gumawa nito."

Makalipas ang ilang minuto.

"Mahal na hari, nawawala po si Komander Greg at lahat ng kaniyang kagamitan."

"Ihanda ang mga sasakyan. Posibleng di pa sila nakakalayo.", utos ng hari

Pagbukas ng pintuan ay agad nilang napansin na puno ng niyebe ang daan. Nakita rin nila ang mga bakas ng sapatos na bigla na lamang naglaho matapos ang ilang hakbang. Nagtaka ang lahat. Ano ang kanilang sinakyan?

Nang may nagsalita sa likuran.

"May eksplanasyon ako para diyan. Maaari ko kayong tulungan. Alam ko kung saan nagtatago si Greg. Dinala niya ako doon hindi kalaunan. Marahil ay di nya inakala na magsasalita ako laban sa kaniya."

"Ano ang iyong pangalan?", tanong ng hari

"Anna po."

"Roger!". Tinawag ng hari ang isang kawal na kaniyang pinagkakatiwalaan. Pabulong na sinabi ng hari na bantayan si Anna at ang bawat kilos nito. Sumagi sa isip ng hari na baka isa itong patibong.


Agad na umalis ang mga kawal at tinahak ang kagubatan lulan ng tatlong malalaking trak.

Dinala sila ni Anna sa isang bulubunduking lugar. Mas makakapal ang niyebe dito.

"Malapit na tayo sa kanilang kampo. Mas makabubuti siguro kung dito na tayo huminto at maglakad na lamang patungo doon.", sabi ni Anna

"Marco, doon tayo sa likod ng burol. Senyasan mo na rin ang dalawang trak sa likod natin", sabi ni Roger

Pagkahinto ng sasakyan ay agad na kinuha ng mga kawal ang kanilang mga sandata.

"Dito tayo.", sabi ni Anna

Dahan-dahan nilang binaybay ang magubat na bundok. Dagli silang dumapa nang may marinig silang kaluskos. Lumakas ang ingay na tila nanggagaling mula sa itaas. Lumilipad na sasakyan? Hindi makapaniwala ang lahat.

Nakita nilang isa-isang nagbabaan ang mga lulan ng sasakyan sa may di kalayuan. Pinakahuling bumaba si Greg na sumenyas sa isa niyang tauhan.

Nag-usap ang mga kawal sa plano nilang pag-atake. Nalingat si Roger sandali at di niya namalayan na tumatakbo na si Anna papalayo.

Hinugot niya ang kaniyang baril at itinutok sa direksyon ni Anna.

"Anna, tigil!"

Pinilit tumakbo ni Anna ngunit di siya makagalaw.

"Greg, tulong!"

Biglang may kumatok sa pinto ni Anna.



PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon