Dilim

2.9K 34 4
                                    

Nagulat si Anna sa tunog ng kampana. Di niya namalayan ang kaniyang pagkakaidlip. Alas-tres na ng hapon at makulimlim sa labas. Dumungaw siya sa bintana at napansin niya na tila nagbabanta ang langit sa pagbuhos ng malakas na ulan. Uminat si Anna at inisip kung babalik ba siya sa pagtulog o babangon para maglaba. (Kung uulan, di rin matutuyo ang sinampay ko. Bukas na nga lang!) Naisip ni Anna sabay higa at pikit ng mga mata.

Nagising si Anna sa madilim na silid. Naramdaman niyang nababalot ng kulambo ang kamang kaniyang hinihigaan. Nagtangkang lumabas si Anna ngunit nakadikit ang kulambo sa buong kama. Sumigaw si Anna.

"Saklolo, tulungan niyo ako!"

Pinilit niyang punitin ang kulambo ngunit walang nangyari. Nang sa di kalayuan ay napansin niya ang isang ilaw. Kinusot niya ang kaniyang mga mata upang masigurong totoo ang kaniyang nakikita. (Isang kandilabra? Nasaan ba ako?) Napansin niyang papalapit ang liwanag. Napabalikwas si Anna nang mapagtanto niya na walang ulo ang may dala nito. Biglang nagliyab ang kulambo.

Nagising si Anna sa madilim na silid. Binalot siya ng takot at nanindig ang kaniyang mga balahibo nang maramdaman niya ang malamig na kamay na humawak sa kaniyang braso. Sisigaw na dapat si Anna nang biglang sinabi ng babae sa kaniyang tabi, "Sshhh, huwag kang maingay, baka marinig nila tayo."

"Marinig nino?", tanong ni Anna

Nang biglang may humablot kay Anna at kinaladkad siya ng walang pakundangan.

"Bitawan mo ako. Saan mo ako dadalhin?", nagpupumiglas na sinabi ni Anna.

Nakawala si Anna. Tumakbo siya ng mabilis hanggang matalisod at mabagok ang ulo sa malaking bato.

Nagising si Anna sa madilim na silid. Alas otso na ng gabi.

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon