dedic porr -- @EdselAnneOgawa
- - - - -
x 05: Tricked! x
"Don't back out from our date, Vanessa. That's my condition."
Tuluyan na kong natigilan sa sinabi ni Archer. Naiyukom ko ang mga palad ko.
Nakakainis sya. Bakit yun pa ang kondisyon nya? Hindi ba pwedeng ibigay na lang nya sakin ang hinihingi ko without asking back for anything?
"Ano na, Vanessa?" tanong nya pa. Yung mukha nya, parang nag-eenjoy sya na makita akong nahihirapan sa pagdecide. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkainis.
Pero ano na nga ba? Ayoko talagang makipagdate sakanya eh. Ayokong makahanap na naman sina Tita Greta ng masakit na maibabato sakin. Pero kung hihindi naman ako, paano na si Doraemon na matagal ko nang pinapangarap na mapasakin?
Tinignan ko si giant Doraemon-head na nasa likod nitong van. God, he's smiling at me! And I don't think I can resist him with that smile! I want him to be mine now!
"FINE! Hindi na ko magbaback out!" sabi ko sabay lipat na ng tingin from Doraemon to Archer. "For that Doraemon, itutuloy ko na ang pagiging date mo!"
Archer smiled more, nodding. "That's very great then. BUT, you're not just going to be my date, Vanessa. You are going to be my LUCKY DATE."
LUCKY DATE.. Tss. Kailangan ba talagang ipagdiinan pa nya yun? Napa-smirk na lang ako at umayos na ng upo. Then Archer started on telling me things about this LUCKY DATE PROMO. Mukha raw kasi akong walang kaalam-alam dito na totoo naman.
He said na promo lang ito ng isang sikat na magazine. So sana wag daw ako mailang mamaya dahil halos bawat galaw namin ay kukuhanan ng picture.
Geez. Just thinking about it makes me feel uncomfortable already. Pero mas preferable naman sakin yun kaysa sa itelevise pa kami.
Maya-maya, umalis na kami ng school. And on the way, may mga papel ako na binabasa. Binigay toh sakin ng isang babae na kasama sa crew ni Archer. Nakalagay dito ang mga plano para sa magaganap na date ngayong araw.
And our FIRST STOP-- SALON.
Totoo nga ang sinabi ni Archer kanina. Almost every angle of our every move, kinukuhanan nila ng picture. Like nung pagbaba namin ng van, yung paglalakad namin at yung pagpasok namin ng salon, talagang kinuhanan nila. Ako naman tuloy, pinipilit ngumiti. Sabi kasi ni Archer kanina dapat magmukha akong masaya kahit napilitan lang akong makipagdate sakanya. Tsaka ayaw ko rin namang makuhanan ako nang nakasimangot noh.
Sa loob ng salon, naghiwalay na kami ni Archer. He was left in the waiting area while I was escorted by a staff papunta sa isang pwesto kung saan nila ako aayusan.
There, they did my hair and put make-up on me. Habang ginagawa nila yun, may kumukuha rin sakin ng picture at may nang-iinterview pa. The interviewer asked me how I feel now that I was personally chosen by Archer to be his lucky date and what am I expecting on our date. Of course, sinagot ko sya-- BUT NOT IN MY OWN POINT OF VIEW. Inimagine ko na lang kung anong mafifeel ng isang REAL ARCHER-FAN if they are in my position and that was what I answered. I told them na napakasaya ko, KAHIT HINDI NAMAN TALAGA. At marami akong ineexpect na magandang mangyayari sa date namin na toh, KAHIT WALA NAMAN TALAGA.
After putting make-up on me, pinagpalit din nila ako ng outfit. From school uniform, they made me wear a dress. It's not that formal but it's cute! Kulay light blue kasi like Doraemon! It's also comfy and I liked it.
Nang balikan ko naman na si Archer sa waiting area, busy sya makipag-usap sa mga crew. But when he saw me, he immediately stood up from his seat and..he just stared at me, smiling. Gumalaw at kumurap na lang sya nang may magflash bigla na camera sa harapan nya.
BINABASA MO ANG
His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)
Teen Fiction(𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star na si Archer Velasquez. Pero... magiging "lucky" nga ba siya sa pagiging ka-date nito? Or... hindi...