x 19: Away From Hell x

14K 294 13
                                    

x 19: Away From Hell x

Magtu-two days na since nang magkaharap kami ni Tita Greta. At tulad ng sinabi nya, talagang GROUNDED ako. I'm not allowed to use any of my gadgets na alam nyang libangan ko, and I can't go to school or anywhere outside our mansion. Dito na nga lang ako nag-istay sa kwarto ko eh-- dito sa kama ko to be exact.

For two days, nandito lang ako sa kama ko, nakahiga, yakap si Doraemon at tulala. Wala akong ganang kumilos, not even na magsalita. Bukod kasi sa sobrang sama ng loob, sobrang sama na rin ng pakiramdam ko. My whole body feels heavy, and my head feels like it's spinning around.

"Vanessa anak.." That was Nanay Beth. Kakapasok lang nya dito sa kwarto ko. Pero hindi ko sya nilingunan. "Ito na almusal mo oh.. Kumain ka na't kahapon ka pa ng tanghali hindi kumakain.."

She's right. Kahapon ng tanghali pa ako hindi kumakain. Nawalan kasi ako ng gana kumain dahil sa sobrang sama ng loob ko sa pagpapatigil ni Tita Greta sakin na pumasok sa school ko. And it pains me more to think na lilipat na ko ng school. Soon, I'll be in a school na wala na kong Miguela na magiging kaklase o seatmate, Miguela na dumadaldal sakin kahit hindi ko naman pinapansin, at Miguela na tumatawag sakin na 'Friend'.

Thinking about those makes me miss Miguela..

Pati si Archer, namimiss ko na.. I already miss his voice, his songs and his smile..

And I wonder.. Tinawagan nya kaya ako these passed two nights? Pumunta kaya sya ng school kahapon para sunduin ako?

God.. Now, I badly want to see Archer.. I want him to keep me safe again.. But how?

"Uy anak.." umupo sa tabi ko si Nanay Beth at hinaplos ang ulo ko. Pero agad rin syang huminto. "U-Uy Vanessa! Nilalagnat ka!"

Hindi ko sya inimik. Tinignan ko lang ang reaksyon nya na sobrang nag-aalala.

"V-Vanessa, halika nga!" pinaupo nya ko at kinapa ang leeg ko. "Ang init-init mo! Ay naman! Kumain ka na ngayon ah? Kumain ka na para makainom ka ng gamot! Please lang anak.. Natatakot ako eh.. Baka kung anong mangyari sayo.."

Napangiti ako sa sobrang pag-aalala sakin ni Nanay Beth. Pero yung ngiti ko, hindi yun ngiting masaya. Naisip ko lang, na kung ganito na mag-alala ang yaya ko sakin, paano pa kaya yung totoong nanay ko? Kung buhay pa sya, siguro, ipaglalaban nya rin ako. Siguro, hindi nya hahayaang may manakit sakin. Siguro, masarap sa pakiramdam yung inaalagaan ka ng totoong nanay mo.

Napasigh ako sa mga naisip ko. Hindi na rin ako nagmatigas pa kay Nanay Beth. Kinain ko na ang almusal na inakyat nya para sakin. Habang sya, bumaba muna para kumuha ng gamot.

Sabi ni Nanay Beth kanina, babalikan nya ako agad. Pero magti-30 minutes na at hindi pa rin sya bumabalik. Hanggang sa naubos ko na ang pagkain ko at bumalik na akosa pagkakahiga, pero wala pa rin sya.

At nakakainis lang. Hindi ko na gusto ang nararamdaman ko. Nahihilo na nga, nilalamig pa.

Patulog na ako nang bumalik si Nanay Beth. May dala syang tablet ng gamot na pinainom nya sakin. Pero may napansin din ako sakanya. Para kasi syang hindi mapakali. Pabalik-balik ang tingin nya sa pintuan ng kwarto ko na para bang may tinataguan o tinatakasan sya.

"Ito na po oh, Nay. Thank you po." sabi ko kasabay ng pag-abot sakanya ng basong ininuman ko.

"O-Okay.. Matulog ka na.." pinahiga nya ko at inayos ang kumot ko. "At ito pala anak.."

May inabot sya sa kamay ko sa ilalim ng kumot. At.. At cellphone yata toh?

"Sayo na muna yang cellphone ko, anak.." bulong nya. "Tawagan mo si Miguela.. Tinawagan nya kasi ako kagabi at hinahanap ka.. Sobrang nag-aalala sya sayo eh, Vanessa.."

His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon