x 06: Masked Rider Black x

17.3K 326 14
                                    

dedic porr -- @khemarie

- - - - -

x 06: Masked Rider Black x

"KYAAAA! OHMYGAAAWD!" tili ng baliw kong seatmate na si Miguela habang binabasa yung magazine na fineature ang date namin ng manloloko na si Archer.

Tsk. Almost one month na rin ang lumipas after ng date namin ng nilalang na yun pero ito pa rin ako, galit at bitter sakanya. Sa galit ko nga eh tinapon ko noon yung bouquet at rose na binigay nya sakin.

"OHMYGAWD FRIEEEEND! HINALIKAN KA PALA NYA?!" hinawakan ni Miguela ang kanang pisngi ko which is yung hinalikan ni Archer na pinakita dun sa mag. "PA-HALIK DIN DYAN DALIII!"

Aktong hahalikan ako ni Miguela sa pisngi pero tinulak ko ang noo nya palayo.

"Ano ba Miguela? Tsk." inis kong sabi.

Nagpout si Miguela. "Psh. Madamot!"

I just rolled my at her. Baliw talaga sya.

"Sana talaga hindi na kita ginawaan ng form para dun sa Lucky Date promo. Edi sana, ako yung napili nyang maka-date noon." todo nakapout pa rin nyang reklamo.

Deep inside me, gusto ko matawa kay Miguela. Eversince I had that date with Archer, ganyan na ang iniisip nya. Naniniwala sya na sya dapat ang magiging Lucky Date ni Archer kung hindi nya ko napagtripang isali dun sa promo. And yes, like what I've suspected, sya nga ang nagpasa ng form ko. Sya mismo ang umamin nun sakin the next day after nung date. I also have asked her about dun sa picture na nilagay nya sa form ko. Pinakita naman nya sakin ang copy nung picture and.. isang stolen shot ko lang pala yun dito sa classroom, with me sitting on my desk and looking out of the window. Okay naman yung kuha but I don't find myself beautiful there. Tapos sabi ni Archer noon, napakaganda ko dun sa picture at naattract pa sya sakin? Tss. What a liar.

Currently, we're waiting for our next teacher. Ang tagal nga eh.

Inikot ko muna ang tingin ko dito sa loob ng room. Ang gulo ng mga classmates ko. May kanya-kanya silang kumpulan at karamihan sakanila, binabasa rin ang magazine na binabasa ni Miguela.

Halo-halo ang reaksyon nila dun sa article tungkol sa Lucky Date promo. May natutuwa, may naiinggit, may naiinis, at may nagsasabi pa na napakaswerte ko raw.

I smirked at that. Napakaswerte ko pala ah? Oo. Napakaswerte ko nga. Dahil lang naman sa Lucky Date promo na yun, isang linggo na kong nagcocommute papasok ng school at pauwi ng bahay. Inalis ni Tita Greta ang driver ko eh. Ang tigas daw kasi ng ulo ko. She said, how could I join such promos when I know that I'll be engaged soon? So ayun. As a punishment to me, inalis nya ang driver ko na si Mang Ed at pinagsalitaan nya pa ako.

* *

Uwian, kasabay kong lumabas ng school si Miguela.

"Friend! Sabay ka na sakin umuwi!" yaya ni Miguela. Almost everyday, niyaya nya kong sumabay sa kotse nya para umuwi. Alam nya eh, wala na kong driver na naghahatid-sundo sakin.

"Ayoko Miguela." tanggi ko agad, as usual. Nagugustuhan ko naman kasi ang magcommute. Somehow, it makes me feel independent.

"Pshh." again, Miguela pouted. "Nag-aalala ako sayo eh friend! You know, anak mayaman ka. Mamaya may bigla na lang mangidnap sayo eh! Mamaya, kidnapper pala talaga si Masked Rider Black na laging nakatambay dyan sa labas ng school natin twing uwian!"

Masked Rider Black.. Yun ang taguri namin dun sa isang lalaking nakamotor na lagi naming nakikita sa labas ng school namin twing uwian. Siguro, may 3 weeks na namin syang nakikita dito pero hindi naman araw-araw. Minsan every other day sya nagpapakita.

Mysterious and very much suspicious si Masked Rider Black, if you'll ask me. Naka-all black sya. As in yung motor nya, black. Tapos palagi pa syang naka-black jacket and black, closed-face helmet. Di pa nga namin nakikita ang mukha nya kahit isang beses lang eh.

May mga schoolmates ako na natakot na kay Masked Rider Black. Naireklamo na nga sya dun sa baranggay hall eh pero sabi ng officials dun, wag daw kami mag-alala. Kilala daw nila ang taong yun at sigurado sila na wala itong gagawin na masama. At totoo naman. Walang ginagawang masama si Masked Rider Black. Lagi lang syang nakaupo sa motor nya na nakapark sa kabilang kalsada at nakatingin sya sa gate ng school namin na para bang may hinihintay o hinahanap sya.

Like now.. Pagkalabas namin ng school gate ni Miguela, nakita namin sya dun sa usual nyang pwesto. Nakatingin din sya dito sa may gate.

"Tignan mo friend!" bulong sakin ni Miguela. "Nandyan na naman sya!"

Sakto naman, may humintong kotse sa harapan namin. Ito na yung sundo ni Miguela.

"Ano na friend? Ayaw mo ba talagang sumabay sakin?" may pag-aalala na sa tono at mukha ni Miguela.

Nginitian ko sya. "Ayoko nga talaga. And don't worry. Walang mangyayari sakin. Sanay naman na kong magcommute noh."

"Haaay. Okay fine! Hindi ka talaga papapilit eh so sige! Uwi na ko! Bye!" nakipagbeso sya sakin atsaka sumakay sa kotse nya.

Pagkaalis nya, may kotse ulit na huminto sa harapan ko. Pamilyar itong kotse. Nagbukas agad ang isang bintana nitong nasa backseat at dumungaw doon si COLETTE. Tss. Kaya pala pamilyar sakin tong kotse eh.

"Sis!" nakangiti tawag sakin ni Colette. "C'mon, sabay ka na sakin!"

I just bluntly look at her. Ano na naman bang balak nito sakin? After nya magsumbong sa nanay nya tungkol dun sa pagkapanalo ko sa Lucky Date promo at sa pag-suggest pa ng parusa sakin, aalukin nya ko ngayon na sumabay sakanya pauwi?

"Ay, sorry pero wag na lang pala Sis." bigla nyang bawi sa alok nya. "Sorry pero natatakot kasi ako ehh. Baka magalit kasi sakin si Mommy. So, ingat ka na lang pauwi ah and see you later!"

Binigyan nya ko ng isang mapang-asar na ngiti bago sinara yung bintana. Tss. Pakaalis ng kotse nya, napasmirk ako at napailing. That girl really knows how to piss me off huh?

Napatingin ako kay Masked Rider Black. He was still looking at this direction. Sa inis ko kay Colette, nairipan ko sya. But I doubt that he saw it. Di ko naman alam kung sakin ba sya nakatingin eh. Ah, ewan. Naglakad na ko palayo para makasakay ng jeep at makauwi na.

oxoxox TBC~

His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon