x 08: A Ticket and A Decision x

16.4K 325 8
                                    

x 08: A Ticket and A Decision x

Anong gagawin ko dito?

Anong gagawin ko dito?

ANO BANG GAGAWIN KO SA TICKET NA TOH?

Paulit-ulit ko na lang tinatanong yan sa sarili ko twing pumupwesto ako dito sa study table ko kung saan lagi kong nakikita itong ticket para sa concert ni Archer. Nilapag ko lang kasi toh sa ibabaw nitong table eversince I got this from Masked Rider Black two weeks ago.

And speaking of Masked Rider Black, hindi ko pa rin alam kung tama ang hinala ko na sya si Archer. Matagal na rin kasing hindi nagpapakita si Masked Rider Black sa school, mula pa nang ibigay nya itong ticket sakin.

But back to my question. Ano na bang dapat kong gawin sa ticket na toh? Kung may pagbibigyan ako, ipapamigay ko na lang toh. Pero wala eh. Miguela have already bought her own stage-side ticket. Ganun din ang iba kong classmates na adik kay Archer. So now, kanino ko na lang toh ibibigay?

Hmm..

Maitapon na nga lang toh.

Ika-crumple ko na sana tong ticket pero hindi ko naman maituloy. Parang.. Parang ayoko? Parang sayang naman?

Napatingin ako kay giant Doraemon-head na nasa kama ko. Nakatingin sya sakin at malungkot ang mukha nya! Dahil siguro nakita nya ang muntik ko nang gawin sa concert ticket ni Archer!

Ay. Tch. Ano ba tong pinag-iisip ko. Para akong ewan.

Inis akong umiling at padabog na nilapag ang concert ticket sa study table ko. Bahala na muna yan dyan. Baka sakaling may mapagbigyan pa ko nyan bago pa mag-concert si Archer.

DAYS PASSED. And those days turned into a week, and that week DOUBLED.

Mabilis at NORMAL na lumipas ang dalawang linggo na yun. Hindi na talaga nagpakitang muli si Masked Rider Black at yung concert ticket na binigay nya, ayun. Nagka-alikabok na sa ibabaw ng study table ko.

Ang tibay ng concert ticket na yun. Wala talaga akong napagbigyan at hindi ko rin sya magawang itapon. Sayang talaga, mamayang gabi na ang concert ni Archer. Oo, nanghihinayang ako. Stage-side ticket kasi yun. But no, I really don't want to go.

"Ayoko nga, Miguela. Busy ako sabi. Tsk." sabi ko kay Miguela na kausap ko ngayon sa phone ko. I think, 10 minutes ko na syang kausap. Pero mula nang mag-hello ako, puro 'Samahan mo na ko friend! Please!' ang sinabi nya sakin. Pinipilit nya kong samahan sya sa concert ni Archer eh.

"Pero frieeend! Pag wala akong kasama, hindi ako papayagan ni Mommy! Huhuhu please friend! Please-please-please! Samahan mo na ko!"

"Miguela? Alam mo naman diba? Hindi ako pwedeng magpagala-gala nang ganung time at sa Manila pa ah. Gabi na yun at anong time na tayo makakauwi." paliwanag ko pa and it is the truth. May CURFEW kasi na MAHIGPIT na pinapatupad sa bahay na toh.

Hindi na sumagot si Miguela. Sniff na lang nya ang naririnig ko. Umiiyak pala talaga sya.

"Sorry Miguela.. Tsk." sabi ko nang medyo nakokonsensya.

"Okay lang friend.." malungkot na sabi ni Miguela. "Sige, bye na.."

Our phone call finally ended. Nag-laptop na ko ulit dito sa study table ko at nagbrowse ng mga PSP games na maganda idownload. Well, it's Saturday today so ganitong bagay ang pinagkakaabalahan ko ngayon.

Kaso wala naman akong magustuhan na idownload. At napapagod na rin ako sa ilang oras ko nang paglalaptop.

Nagrelax na lang muna ako sa upuan ko. At dun ko na naman napansin yung concert ticket sa tabi ng laptop ko.

Kinuha ko yun at tinitigan nang malapitan. Hmm.. Hindi ko na talaga toh magagamit. So siguro naman, magagawa ko nang matapon toh noh?

Hindi ko na lang sya kinrumple. Tinapon ko na sya nang diretso sa may trash bin ko.

Napangiti ako nang sa wakas, naitapon ko na yung ticket.

Pero..nanikip naman bigla yung dibdib ko.. And here goes that feeling again, yung feeling na ayoko syang itapon..

UGH! Tumayo ako at kinuha ulit yung ticket mula sa trash bin.

"Ano bang gusto mong gawin ko sayo ah?!" sigaw ko dito sa ticket. Then I sighed. Nababaliw na yata ako, all just because of this ticket.

I stared again at this ticket. And staring at this made me remember Archer's smile-- his very familiar smile na.. na gusto kong makita ulit.

For a while, I stayed like that. Hanggang sa makapag-decide na ko.

Mamayang gabi.. Tatakas na lang ako at sasamahan na si Miguela sa concert ni Archer.

oxoxox TBC~

His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon