x 20: Safe x

14.5K 288 6
                                    

dedic porr -- @duardelaine_18

- - - - -

x 20: Safe x

From my family's mansion, dinala ako ni Archer sa bahay nyang nasa tuktok ng bundok.

Mula nang makarating kami doon, talagang inalalayan nya ko. Sa bawat hakbang ko, hindi nya ko binitawan. And I was very thankful to him for that. Sobrang nahihilo na kasi ako nun and I don't think I'd be able to walk all by myself.

Archer made me stay in his bedroom-- again. Buti na lang din nakakain na ko ng almusal bago nya ko naitakas kaya nang maiakyat nya ko sa kwarto nya, nakainom ako agad ng gamot.

Nakatulog ako after nun. Malalim at mahimbing ang naging tulog ko. At habang natutulog, naramdaman ko na parang unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.

Unti-unti, parang nawawala na ang lahat ng problema ko, ang lahat ng ikinakatakot ko, ang lahat ng dinaramdam ko.

I don't know.. I just feel very safe and sound, thinking that I am with Archer right now..

With Archer.. na syang nagtakas sakin sa impyerno..

Napadilat na ko. I was unaware of the time but I was very aware of the place I was in. Alam ko, nasa kwarto ako ni Archer at nakahiga sa kama nya.

Nakatulala ako sa kisame, nang mapansin ko na may basang towel pala sa noo ko. Inalis ko yun atsaka ako umupo. Then I stared at the towel on my hand.

Archer.. He sure is taking very good care of me..

Napangiti ako. Pero naramdaman ko rin ang unti pang pagkirot ng ulo ko. Medyo nahihilo pa ko pero alam ko, kaya ko nang tumayo at maglakad. So I did. Tumayo ako at naglakad papuntang CR. Naghilamos ako roon at nag-toothbrush. Then bumaba na ko to look for Archer.

Nang makababa na ko, tsaka ko lang nalaman na gabi na pala. Nakita ko sa glass door papuntang balcony eh, madilim na sa labas. At umuulan din nang malakas. Kumikidlat at kumukulog pa nga eh.

Out of the blue, I smelled something. Something seafood! And..

I sniffed.

And something na ma-veggy?

Dumiretso na lang ako sa kusina. Naabutan ko dun si Archer na nakatalikod at busy sa paghalo ng niluluto nya sa isang kaldero.

"Archer?" medyo mahina kong tawag. Nilingunan naman nya ako agad at medyo nagulat sya.

"Oh! Nagising ka na rin!"

Nagulat din ako nung humarap na sya sakin. Naka-apron pa kasi talaga sya!

"Ang tagal mo ring natulog ah! Mga.." tumingin sya sa wristwatch nya. "7 hours! Grabe!"

What? 7 HOURS? No way! Ayaw ko maniwala 'cause it wasn't like me! Yung makatulog nang ganun katagal sa araw!

But oh well. May sakit nga pala ako. At ngayon lang ako ulit nakatulog nang ganun kahimbing kaya siguro nilubos na ng katawan ko ang matulog.

Na-preoccupied ako. Hindi ko tuloy napansin si Archer na lumapit sakin. Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, without touching my bruise.

"Hmm.. Medyo mainit ka pa rin.." Archer said, while I became motionless and speechless as my cheeks felt how manly his hands are. They were big, bigger than mine, and so warm. Ang sarap sana sa pakiramdam ng hawak nya. Kaso binaba nya agad ang mga kamay nyang yun. "Ah. Saglit. May mga damit na nga pala ko para sayo."

Umalis sya pa-living room. Tapos bumalik din sya in less than half a minute, nang may dalang paper bag.

"Here. Kumpleto toh ng mga kakailanganin mo." he handed me the paper bag which I quickly took.

His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon