x 18: Falling x
Lunchbreak ngayon sa school. Yung mga kaklase ko, busy sa pag-kain, pakikipagdaldalan o kung ano pa man. Pero ako? Nandito lang ako sa seat ko, with my head resting on my arms na nasa ibabaw ng desk ko. Sinusubukan kong umidlip muna habang may sundt na headphone at nakikinig ng..
♫ In a world torn by change
Still with all my heart
'Till my dying day
I do, cherish you ♫
..ng mga kanta ni Archer mula dun sa bagong album nya. I downloaded it all for my phone para kahit saan, kahit kailan, pwede ko mapakinggan ang mga kanta nya. Bigla na lang kasi akong nag-crave sa boses nya mula nang mag-I love you sya sakin almost two weeks ago.
♫ For the rest of my life
You don't have to think twice
I will, love you still ♫
And this song of him.. This has become my favorite.
♫ From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long
To say this to you ♫
Everytime na pinapakinggan ko ang kanta nyang ito, lagi ko na lang naiimagine yung naging date namin noon, where he sung this song to me while holding my one hand and looking straight at my eyes.
♫ If you're asking if I love you this much
Yes I do, I do ♫
And everytime I imagine that moment, hindi ko rin mapigilang ngumiti.
"FRIEEEND!" sigaw ni Miguela na biglang inalis ang headseat ko.
"Ano?" tinaas ko ang ulo ko at inis syang tiningala.
Naiinis na nga ako. Pero nagawa nya pa kong bigyan ng isang mapang-asar na ngiti.
"Mukha kang ewan friend. Nakangiti habang nakapikit at nagsa-soundtrip. Huhulaan ko oh. Kanta ni Fafa Archer pinapakinggan mo noh?" tanong nya with the same, teasing smile.
"Geez.." I rolled my eyes at her. Inayos ko sa leeg ko yung headphone at inistop ang music player ng cellphone ko. "You know what, Miguela? Pwede ka na maging manghuhula sa Quiapo."
"YIEEE!" napahawak sya sa magkabilang pisngi nya na para bang kinikilig sya. "That's a sign, friend! Sign na nahuhulog ka na rin para sakanya!"
Nahuhulog na?
Well.. Hindi ko na idi-deny..
"I am already falling for him.." napakahina kong sagot kay Miguela.
"Huh?! Ano yun friend?!" naglean sya sa desk ko at inilapit ang tenga nya sakin.
"WALA." nilakasan ko na ang boses ko.
"Wooh! Dali na friend! Ulitin mo yung sinabi mo!"
Natatawang napailing ako.
"Uy! Ano na?!" pangungulit pa ni Miguela. Umupo na sya sa seat nya pero inilapit nya yun sakin. "Dali dali! Hindi mo na repel ang charms ni Fafa Archer noh?!"
Natawa na naman ako dahil sa terms na ginamit nya. Hindi na ma-repel ang charms.
"Don't worry friend! Normal lang kung ma-fall ka na sakanya! Marami kaya tayong nakakaranas nyan!" napangalong-baba sya sa desk ko at tumitig sa labas ng bintana. "Ang kaibahan nga lang sa case mo eh, nai-in love ka sakanya dahil sa non-celebrity side nya. Hindi tulad saming mga fans nya, na na-in love lang sakanya dahil sa talent nya, kagwapuhan at kasikatan."
BINABASA MO ANG
His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)
Fiksi Remaja(𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star na si Archer Velasquez. Pero... magiging "lucky" nga ba siya sa pagiging ka-date nito? Or... hindi...