x 10: In Trouble x
Na-stiff ako sa biglang paghalik sakin ni Archer. I wasn't able to make any move dahil sa sobrang gulat at pagkadismaya sa ginawa nya. Just how could this jerk steal my first kiss? I.. I HATE HIM..
Nang sa wakas ay naigalaw ko na ang mga braso ko, pilit ko syang tinulak palayo sakin. But damn this guy! Ayaw nya pa rin akong pakalawan!
"Mm!" from pushing, pinagbibira ko naman sya nang sobrang lakas sa dibdib nya. Dun na nya ko binitawan. Lumayo naman ako agad sakanya nang takip-takip ang bibig ko.
I hatefully stared at him and I saw him catching his breath. Mukha rin syang nagulat sa nagawa nya.
"Uhm.. I.. I'm sorry.. Ikaw kasi eh, di mo ko pinapansin tapos pinagselos mo pa ko.. Tsk.." humakbang sya palapit sakin pero humakbang din ako nang patalikod at palayo sakanya.
"How dare you blame me now!" sigaw ko but damn my voice! It's broken! "Ikaw na nga tong nangnakaw ng halik tapos.. tapos kasalanan ko pa?!"
Tsk. Naiyak na ko! Ikaw ba naman kasi ang halikan ng lalaki na hindi mo naman gusto o type eh. It made me feel like I was taken advantage of and I hate that feeling.
"H-Hey Vanessa, don't cry! Uhm, saktan mo na lang ako oh! Sampalin, tadyakan, whatever you want! Just don't cry!" nagpapanic sya na para bang hindi sya sanay makakita ng babaeng umiiyak.
But then, someone knocked on the door, hushing us.
"Sir Archer!" boses ng isang babae ang tumawag. "Get ready na po in 5 minutes!"
"O-Okay, okay!" sagot ni Archer.
Madali ko namang pinunasan ang mga luha ko atsaka ko tinalikuran si Archer at mabilis na lumabas ng kwarto nya. Nabangga ko pa nga sa paglabas ko yung babaeng nakaheadset na syang tumawag yata kay Archer. Pero nilagpasan ko lang yung babae without saying anything to her, not even sorry.
"Wait, Vanessa!" sa boses ni Archer, alam kong hinahabol nya ko.
"Sir Archer?! San po kayo pupunta?! Kailangan nyo nang mag-ayos at aakyat na kayo ulit ng stage!" sabi nung babaeng nakaheadset.
"Pero..tsk!"
Hindi ko na alam kung ano nang nangyayari kay Archer. Hindi ko naman na sya binalikan ng tingin eh. Basta ako, nagmadali lang sa paglalakad palayo sakanya. I really hate him-- SO MUCH. Sa inis ko sakanya, pati tong lugar na pinaggaganapan ng concert nya ay kinakainisan ko na rin.
Instead na bumalik kay Miguela, lumabas na ko ng Stadium Center. Gusto ko nang umuwi at ayoko nang makakita pa ng kahit ano na may kinalaman sa LALAKING YUN.
Habang nag-aabang ako ng taxi, tinawagan ko na lang si Miguela.
"FRIEEEND! ASAN NA YOU?! MAGSISIMULA NA YUNG 2ND HALF NG CONCERT EH!" sabi nya agad pagkasagot nya sa tawag ko.
"Pauwi na ko eh Miguela."
"HA?! ANO YUN?! DI KITA MARINIG FRIEND!"
"ITETEXT NA NGA LANG KITA!" inis kong sigaw sakanya at inend ko na yung tawag.
May huminto nang taxi sa harap ko kaya sumakay muna ako roon bago ko tinext si Miguela. Sinabi ko lang na nauna na kong umuwi at mag-enjoy na lang sya sa concert na yun. Nagtanong pa sya kung bakit. Sabi ko naman wala lang at wag na syang magtanong pa kasi naiinis na ko so ayun, hindi na sya nangulit after nun.
Hating-gabi na nang makauwi na ko ng bahay namin. And I felt very tired and weak. Hindi ko alam kung dahil ba toh sa binyahe ko o dahil sa bwiset na pagnakaw ng halik sakin ni Archer. Or maybe because of both?
Pagod at nanghihina na nga ako pero hindi naman ako makatulog agad. For hours, paikot-ikot lang ako ng higa sa kama ko o di kaya ay tumititig kay Doraemon. At twing matititigan ko si Doraemon, nagfaflashback naman sakin ang ginawang paghalik sakin ni Archer then I would feel my hate again for him. Pero bukod dun, napapaisip din ako. Sabi kasi ni Archer, nagawa nya yun dahil hindi ko raw sya pinapansin at pinagseselos ko pa sya.
SELOS huh.. So seryoso pala sya sa sinabi nya noon na attracted sya sakin?
I smiled, feeling a little bit flattered. Pero mas nangingibabaw pa rin yung pagkainis ko! Totoo man na gusto nya ko, hindi naman tama ang ginawa nya sakin kanina. HINDING-HINDI.
Sa gulo ng utak ko, ganun din naging kagulo ang pagtulog ko. Mababaw at putol-putol.
Last gising ko, 7AM na. Gusto ko pa sanang matulog pero hindi naman na ko makatulog ulit. Kaya kahit pagod at nanghihina pa rin ang pakiramdam ko, bumangon na ako at naghilamos. After that, bumaba na ko para kumain. But how I hope na sana hindi na lang ako bumaba't nagpunta dito sa kainan. Dahil doon, nakapwesto na si Colette sa upuan nya-- kasama si Tita Greta at parehas silang nakangisi sakin.
Napangisi na lang din ako sakanila. Malamang alam na nila ang ginawa ko kagabi and now, I'm in trouble.
oxoxox TBC~
BINABASA MO ANG
His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)
Teen Fiction(𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star na si Archer Velasquez. Pero... magiging "lucky" nga ba siya sa pagiging ka-date nito? Or... hindi...