x 03: Lucky Girl x
A NORMAL week has passed.
NORMAL. As in pumasok ako ng school nung weekdays. After school, gumawa ako ng homeworks. Sa gabi at buong maghapon naman ng weekend, nag-adik ako sa video games. At syempre, hindi mawawala sa NORMAL WEEK ko ang paninira ni Colette ng araw-araw ko.
Nakakainis nga eh. Twing magkakaharap ba naman kami, lagi syang mang-iinsulto o magpaparinig sakin ng kung anu-ano. Hindi ba sya nagsasawa?
Di ko na nga lang sya pinapatulan. Bukod kasi sa nakakawalang gana pumatol, tinuturing ko pa rin syang nakababatang kapatid kahit papaano. Kaya pinipilit ko na lang din na iwasan sya eh. Pag meal time, hindi ko sya sinasabayang kumain. Kung hindi ako magpapahuli, si Nanay Beth na lang ang sasabayan kong kumain sa kitchen. Pag pasukan naman sa school, it's either mauuna akong pumasok or medyo magpapahuli na lang.
Kaso, talagang napakaliit ng mundo naming dalawa. Sa iisang bahay lang kami nakatira eh at iisang school lang din ang pinapasukan namin. Kaya sa ayaw ko man o sa hindi, makikita't makikita ko sya at magagawa nyang sirain lagi ang araw ko.
Buti na lang at madalang na umuwi dito ang nanay nyang si Tita Greta. That woman is busy travelling AROUND THE WORLD together with her friends so nabawasan na ang nagpapasakit sa buhay ko.
"Uy, okay na ba tong make-up ko?!"
"Here! This shade suits you more!"
"Wow! Ito yung bagong labas na lip gloss diba?!"
Napatigil ako sa may pintuan ng classroom namin dahil sa mga kaklase kong parang nagkakagulo sa loob.
Ang aga-aga, bakit pagpapaganda ang inaatupag ng mga toh? At LAHAT pa sila ah?
Napansin ko si Miguela na nakaupo sa seat nya. May hawak syang maliit na salamin at nagpapaganda rin katulad ng iba.
Nilapitan ko sya at umupo na sa seat kong nasa tabi nya. Pinanood ko syang maglagay ng pink lipstick.
"Uhm, Miguela? Anong meron at nagkakaganyan kayo?" tanong ko sakanya nang sobrang nagtataka.
Nilingunan nya ako with a very shocked look. "FRIEND NAMAN! KUNG MAGTANONG KA PARANG DI KA DITO NAG-AARAL!"
"Dito ako nag-aaral, Miguela. Take note, NAG-AARAL. Hindi NAGLALANDI." paglilinaw ko naman sabay irap.
"Ouch ah! Porket ba nagpapaganda, naglalandi na agad?!" nakapout nyang depensa.
Natawa naman ako. May point kasi sya dun ah?
"Oo na. Eh bakit nga ba kayo NAGPAPAGANDA ngayon?" tanong ko nang may unting sarcasm.
"Pshh! Wala ka talagang alam eh noh friend?!" humarap sya ulit sa salamin at nagpaganda. "Pupunta na kasi ngayon dito sa school si Fafa Archer para yayain nang makipagdate ang maswerteng babae na napili dun sa Lucky Date promo!"
Ah.. Ngayon na pala yun..
"Oh friend! Wag mo sabihing nalimutan mo na kung sino si Fafa Archer! Kundi, naku! Di na tayo friends!" nagpout ulit sya habang nakatingin sa salamin.
"Di noh." tipid kong sagot at umayos na ko ng upo.
Paano ko naman ba malilimutan ang Archer na yun eh ang astig-astig ng pangalan nya? Tsaka yung ngiti nya.. masyado talagang pamilyar para malimutan ko..
"Ikaw friend, di ka ba magpapaganda ah?" biglang tanong ni Miguela.
Tinuro ko naman ang sarili ko. "AKO?"
"Ay hindi friend. Yung desk mo. Tss."
Sinamaan ko sya tingin. Barahin ba raw kasi ako?
"Joke lang friend! Hehehe" bawi nya agad. "Magpaganda ka na rin kasi! Malay mo ikaw yung maging Lucky Date ni Archer!"
BINABASA MO ANG
His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)
Teen Fiction(𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star na si Archer Velasquez. Pero... magiging "lucky" nga ba siya sa pagiging ka-date nito? Or... hindi...