x 22: Favor x

13.8K 270 10
                                    

x 22: Favor x

Umaga, nagising ako nang liwanag mula sa bintana ang unang nasilayan ng mga mata ko. Nakita ko ring may ilaw na yung lampshade na nasa bedside table. So, bumalik na rin pala yung kuryente.

Napapikit ako as I felt very thankful. Thanks heavens I got through the darkness last night.

Then napangiti ako bigla. Naalala ko, hindi ko naman malalagpasan yun kung hindi dahil kay Archer.

AND SPEAKING OF ARCHER. Bigla ko syang naramdaman na yumakap sakin mula likuran ko!

Oh my God.. His one arm was over my waist and his chest was so very close to my back. Nararamdaman ko ang paghinga nya, maging ang init ng katawan nya.

And it actually felt so good.. so perfect. This hug from him was the best so far. Masarap pala ang gumising sa umaga nang may yayakap sayo nang ganito.

Pero gising na kaya itong si Archer?

Dahan-dahan na lang akong umikot ng higa para makita ko kung gising na nga ba sya. At eksakto pag-ikot ko, halos magkadikit na ang mga mukha namin. Buti na lang, hindi pa sya gising. He is still sleeping-- peacefully-- and cutely.

Ngumiti ako at niyakap na rin sya. Ang sarap nya lang yakapin. Ang ganda kasi ng built ng katawan nya. Very fit.

OH WHY THE HELL I'M THINKING ABOUT HIS BODY BUILT?!

I rolled my eyes at myself.

Well, bukod naman sa ganda ng katawan nya, mabango rin sya. I love his strong scent. Bagay sakanya ang kung anumang pabango na gamit nya.

"Mm.." biglang gumalaw si Archer, making me panic!

A-Ayokong makita nya kong nakayakap nang ganito sakanya! Nakakahiya!

But damn it. Hindi ko naman alam ang gagawin ko para makalayo sakanya!

Archer then moved again with a groan-- and I suddenly pushed him away in an unexpected full force. Sa lakas ng tulak ko sakanya eh naihulog ko sya sa kama! Oh God!

"AW!" sigaw ni Archer nang mahulog na sya.

"Archer!" ako naman eh napabangon agad at tinignan sya.

Nakahiga pa rin sya sa sahig habang hinihilot ang likod nya. He was frowning with eyes still shut.

"Shit.." inis nyang bulong na ikinakaba ko.

"S-Sorry Archer.."

Nang nakahiga pa rin, seryoso nya akong tinignan. "Bakit mo ba ko tinulak ah?"

"K-Kasi.. ano.. N-Nagulat ako nung makita kitang nakayakap sakin.." Okay, okay. I know. That was a lie.

"Ugh." he groaned in annoyance. Tapos itinaas nya ang isa nyang kamay. "Help me stand up."

Sa takot at konsensya ko eh agad-agad akong tumayo para tulungan sya. I grabbed his hand and pulled him up. Pero hindi ko sya mahatak!

"Archer? Stand up na!" inis kong sabi. Paano ko naman kasi sya matatayo kung hindi nya rin tutulungan ang sarili nya?

Archer just grinned. Then, ako naman ang hinatak nya pahiga sa tabi nya!

"H-HEY!" sigaw ko sakanya. But he just hugged me tight!

"Bayad toh sa ginawa mong pagtulak sakin.." bulong nya.

"P-Pero tinulak nga kita kasi yakap mo kanina eh! T-Tapos yayakapin mo na naman ako ngayon?!"

Natawa sya. "Masanay ka na, Vanessa.. Dahil ang mga nagmamahalan, laging nagyayakapan.."

Natigilan naman ako.

His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon