x 24: Confrontation x

12.9K 290 17
                                    

dedic porr -- @ElizerMirandaJr

- - - - -

x 24: Confrontation x

Lahat kami, naestatwa sa biglang pagdating ng kotse ng tatay ko. Nakatingin lang kami doon hanggang sa may bumaba nang isang may edad na lalaki mula sa backseat. That 50-something man.. He looked very serious and I could see myself to him. Ganyan din ang nakikita kong ekspreksyon sa mukha ko eh 'pag tinitignan ko ang sarili ko salamin.

Napangisi ako sa napansin ko. Of course, that man and I would look the same. Sa kanya ko kasi namana ang itsura ko. Kasi, siya ang TATAY ko.

Tatay..

Yeah.. He is my father-- who is also a stranger to me.

Nang makalapit na ang tatay ko sa'min, kay Tita Greta niya tinuon ang tingin niya.

"What's happening here, huh Greta?" tanong niya sa asawa niya on his usual serious tone.

Hindi naman makasagot si Tita Greta. Nakakunot-noo pa rin siya pero halata sa mga panga, labi at kamay niya ang tensyon na nararamdaman niya.

"And.." nilipat ni Dad ang tingin niya sa'kin. "What happened to you, Vanessa? Bakit may pasa ka sa mukha?"

Parang nanlambot naman bigla ang puso ko sa tanong ng tatay ko. He sounded concerned there.

"H-Honey." yumakap si Tita Greta sa braso niya. "Uhm.. That bruise.. She got it from me."

WOW. Just, wow. This wicked stepmom of mine, inamin sa tatay ko ang ginawa niya sa'kin?

"You mean you hit her?" gulat na napatingin sa kanya ang tatay ko.

"I-I did. But for a reason, honey!" From Dad, tumingin siya sa'kin. "That daughter of yours, wala kang ideya kung gaano na siya karebelde ngayon!"

WHAT?

"You didn't know. She sneaks out every night just to go out with her friend in spite of the curfew na binigay ko sa kanilang magkapatid, and now, there!" she gestured her one hand to me and to Archer. "Nagboyfriend pa siya kahit alam niyang ipagkakasundo na natin siya sa anak ng kaibigan natin!"

Sabay na napatingin sa'kin si Archer at ang tatay ko. And my heart panicked double times. Natatakot ako. Natatakot ako na baka kumontra ang tatay ko sa relasyon namin ni Archer. At natatakot din ako sa magiging reaksyon ni Archer ngayong alam na niya na ipagkakasundo na pala dapat ako ng mga magulang ko sa ibang lalaki. Hindi ko pa 'yun nasasabi sa kanya eh. I didn't even try to tell him that.

Hindi ko malingunan si Archer na nasa tabi ko, pero ramdam ko ang titig na binibigay niya sa'kin. I know, that stare of him bears shock and disappointment. While Dad's stare, it obviously shows disapproval.

"So that young man is your boyfriend, huh Vanessa?" bumalik ang seryosong tono ng tatay ko. Unting diin na nga lang at parang naninindak na siya.

Si Tita Greta, nakita kong ngumisi sa'kin. Napalunok naman ako. Hindi ko magawang sumagot sa tatay ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Parang gusto ko na nga ring umiyak eh. I just feel lost and helpless right at this moment.

"I am, sir." bigla ko na lang narinig ang boses ni Archer. Mas lumapit pa siya sa tabi ko at humawak sa kamay ko. "I am your daughter's boyfriend. And my name's Archer. Archer Velasquez." Nag-offer din siya ng shakehands sa tatay ko. But Dad just glared at him.

"Sorry, young man. As you can see, my daughter's not allowed to have a boyfriend. She's about to get engaged to someone else so--"

"Well I want to say sorry, too, sir." Archer cut my dad off! Ang lakas naman ng loob nito! "Sorry but you can't just engaged her to any man right now. Except to me."

I blinked at what he just said. Talagang ang lakas ng loob niya ah?!

"Oh. Except to YOU?" Dad mocked him.

"Ahuh. EXCEPT ME." Oh God. Archer's going to give me a heart attack! Bakit ba ganito siya katapang?! "Sir, I'm really sorry. Pero kailangan ko pong panagutan ang anak niyo."

Natigilan ako bigla. Dad as well. Napanganga naman sina Tita Greta at Colette.

"What..do you mean?" Dad asked.

"You already know what I mean, sir. Your daughter was alone with me since yesterday morning and.. last night.." binaling ni Archer ang tingin niya sa'kin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Something had happened between us."

W-What did he say?! MAY NANGYARI RAW SA'MIN?! P-Pero wala naman ah?! Oh geez! Ano bang pinagsasabi ng nilalang na 'to?! Gusto niya bang malagot sa tatay ko?!

"Oh my God.." nakatulalang bulong ni Tita Greta. Napatakip pa siya ng bibig. Parehas sila ng naging reaksyon ni Colette na nandun pa rin sa tabi ng kotse nilang mag-ina. While my Dad took a very deep breath, looking away.

Naningkit ang mga mata ko kay Archer na seryosong nakatitig pa rin sa'kin. But again, he just tightened his hold on my hand.

"I-Ibig sabihin, p'wede kang mabuntis ah, Vanessa?!" Sigaw bigla ni Tita Greta. Lahat tuloy kami napatingin sa kanya. And her eyes.. They were furiously looking at me.

I know, she asked me a question. Ang hindi ko alam eh kung ano bang isasagot ko. Oo ba? O hindi? UGH! Archer naman kasi!

"Arghhh! Damn you!" nanggigil at galit na galit na lumapit sa'kin si Tita Greta. "Talagang gusto mo sirain ang pangalan ng pamilya namin 'no?!"

Napahakbang ako patalikod. Nakaramdam kasi ako ng sobrang takot kay Tita Greta. I've never seen her this mad-- not again eversince my 6th birthday kung kailan natuklasan niya ko, kung kailan muntik na niya akong mapatay.

Buti na lang, nandito si Archer. Humarang siya agad sa harapan ko. At buti na lang din, nandito ang tatay ko. Hinarangan niya naman si Tita Greta at inawat ito.

Tita Greta kept on screaming things habang inaawat siya at pinagsasabihan ng tatay ko. Pero wala akong maintindihan sa mga naririnig ko. I was focusing on catching my breath. Pinapakalma ko rin ang puso ko mula sa sobrang bilis ng pagtibok nito dahil sa biglaang takot na naramdaman ko.

"Vanessa?" I heard Archer calling me. He sounded very worried. Tinignan ko siya pero malabo ang nakikita ko. Naluha na rin pala kasi ang mga mata ko. "H-Hey.. Don't cry.."

Niyakap niya ko. And I hugged him back as I let my tears fall down.

"Sssh.. Sorry about this, Vanessa.." bulong niya sa'kin. "But please hang on.. Magiging okay rin ang lahat.."

I just nodded.

Nanatiling yakap ako ni Archer hanggang sa huminahon na si Tita Greta sa pagwawala. Naipasok din siya sa mansion namin, all thanks sa tulong ng matyatyaga naming guards at maids-- at ng anak niyang si Colette.

"Vanessa," tawag na ng tatay ko sa'kin pagkaalis ni Tita Greta. Pero hindi ko siya maharap dahil natatakot na rin ako pati sa kanya-- at nasasarapan pa ko sa yakap ni Archer. Aish!

"Hey Vanessa.." Archer patted my head. "Your dad's calling you.."

I know, I know! Gusto ko sana 'yang isigaw kay Archer. But I of course, I couldn't. 'Medyo' kumalas na lang ako sa pagkakayakap sa kanya at 'medyo' takot na humarap kay Dad. 'Medyo' lang pero natatakot talaga ako. Natatakot pa rin ako sa magiging hatol niya sa relasyon namin ni Archer.

"Mag-usap tayong tatlo sa opisina ko." sabi ni Dad sabay talikod at lakad papasok ng mansion namin.

Nagkatinginan kami ni Archer. Ako, nag-aalala. Pero siya? Nakangiti.

"C'mon, Vanessa." hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinatak na para sumunod sa tatay ko.

Oh God.. Now, I'm more nervous. Ano na kayang mangyayari sa'min ni Archer matapos ng pag-uusap naming ito ng tatay ko?

oxoxox TBC~

His Lucky Date (LUCKY Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon