Tiffany's POV
Mag-wa'one month na din simula nung naging mag-kaibigan kami ni Drian. Habang tumatagal ang pagkakaibigan namin, nababawasan rin yung pagsusungit niya saakin. Di na rin siya masyadong kuripot kapag nagsasalita. Kung dati ay ang iksi iksi ng mga sinasagot niya sa tanong 'ko, medyo rumami na ngayon. Medyo lang naman.
Di kami masyadong nagkikita pag nasa school. Mas una kasi ang uwian namin kesa sakanila at tsaka busy rin sila sa research project nila at iba pang mga requirements. Naaawa nga ako sakanya kasi ang lusog lusog ng eyebags niya. Pero kahit na di kami masyadong nagkikita sa school, lagi naman kaming nagkikita tuwing sabado kaya okay lang.
"Hoy" nabalik ako sa mundo nung pinalo ako ni Bianca. Pero mahina lang, yung palo ng magkakaibigan. Lol.
"Nakikinig ka ba saamin?" tanong ni Lea
"Oo nga. Mukhang ang lalim ng iniisip mo uh?" tanong naman ni Venice
"Nakikinig ako" sagot 'ko
"Kung nakikinig ka, ano nga yung pinag-uusapan namin?" tanong ni Lea
"Uhm.. Tungkol sa assignment?" tanong 'ko
"Pft. Hahaha" sabay-sabay na silang tumawa. Ano bang nakakatawa?
"Iniisip mo nanaman si Dexter nuh?" tanong ni Venice
"Dexter? O baka si Drian?" sabi naman ni Sheinna
"Yiee~" sabay-sabay nilang sabi maliban kay Venice
"Mukhang close na close na kayo uh" sabi ni Bianca
"Paano mo nasabi?" tanong 'ko
"Lagi kasi kayong magkasama.." sagot ni Venice. Parang may kakaiba kay Venice habang sinasabi niya yun pero di 'ko nalang pinansin
"Ano nga kasi yung pinag-uusapan niyo?" pagbabalik 'ko sa topic, kung saan saan na kasi napupunta yung topic nila
"Ahh. Yung tungkol sa fieldtrip" sagot ni Bianca
"Ano naman tungkol dun?" tanong 'ko
"Tinatanong lang namin kung sasama ka ba. Sasama ka?" tanong naman ni Lea
"Syempre. Sasama ako" sagot 'ko sakanya
"Sige-sige" sabi nila habang tumatango. Sa wednesday na pala yung fieldtrip ng mga Grade8, bukas kasi yung Grade7, sa thursday naman ang Grade9 at sa friday ang mga 4th year.
Nagtataka ba kayo kung bakit 4th year ang tawag sakanila at hindi Grade10? Di kasi sila kasali sa K-12. Yung mga Grade9 ngayon, sila yung 1st batch ng K-12. Kasali sana ako dun kaso bumalik ako sa Grade8.
BINABASA MO ANG
Stop Acting Like You Care
Teen FictionA story of a guy who became friends with his bestfriend's ex-girlfriend but he doesn't know that she's the ex girlfriend of his bestfriend.