16. Fieldtrip

28 4 1
                                    

Tiffany's POV


"Ganun nga kasi yung nangyari" kakatapos 'ko lang i-kwento sakanila ang buong pangyayari at buti naman naniwala sila. Haay.


"I knew it!" sabay na sabi ni Kevin at Chrystal kaya natawa nalang kami.


"Grabe naman kayo. 'Di naman impossibleng magkaroon ng girlfriend 'yang kapatid niyo. Gwapo naman siya" sabi ni Kenneth


"Mas gwapo pa nga 'yang kapatid mo kesa sayo, Kevin! Hahaha" sabi naman ni Kyle at nag-apir sila ni Kenneth saka tumawa.


Tinignan 'ko naman si Drian at nakatingin lang siya sa mga nadadaanan namin sa labas ng bus. Ni hindi man lang tumitingin o nakikinig man lang saamin 'tong Cold Guy na 'to. Naka-earphone kasi. Tch.


"What did you say? =_=" tanong ni Kevin sa dalawang kaibigan habang tinitignan ito ng masama.


"Hehehe. Joke lang naman Kevin" sabay na sabi nila Kyle at Kenneth


"Anong joke lang? Totoo naman uh. Mas gwapo si Drian kesa kay Kevin. Ay, di pala gwapo si Kevin kasi pangit siya!" sabi ni Steph na dahilan ng pagtatawanan ng mga kasama namin sa bus.


Nilapit ni Kevin yung mukha niya kay Steph na parang hahalikan niya. Omg!

"Now tell me who's ugly?" tanong ni Kevin kay Steph at nakita 'kong natigilan si Steph pero agad din namang umiwas ng tingin saka tinulak si Kevin. Nakita 'kong nag-smirk si Kevin dahil dun. Klarong klaro lang kasi sila kasi nasa kanan lang namin sila.


"Drian? Galit ka ba saakin?" tanong 'ko kay Drian pero di niya ako pinansin. Tss.


Tinanggal 'ko yung earphone niya sa tenga para pansinin niya ako at mukhang effective nga kasi napatingin siya saakin.


"Give me back my earphone" seryoso niyang sabi at nakakatakot yung aura niya. Huhu! Baka ano pang gawin niya saakin kaya binalik 'ko nalang yung earphone niya.


"Gusto 'ko lang naman tanungin kung galit ka saakin. Tsk. Kaya wala kang kaibigan kasi ganyan ka. Ang sungit mo" dahil sa sinabi 'kong yun ay napatingin siya saakin. Nakatitig lang siya saakin at yung mga mata niya.. ba't parang ang lungkot? Siya yung unang umiwas sa titigan namin.


Ba't ganun? Ba't parang ang lungkot ng mga mata niya? Ay. Siguro ganun lang talaga yun. Haysh. Oo na, kasalanan 'ko na 'to. Haynako, Tiffany!


"You're right. No one really wants to be with me." tumalikod na siya saakin matapos niyang sabihin yan.


Lagot na. Ang bobo mo kasi Tiffany. 'Di ka nag-iisip. Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa 'tong nag-inarte.


"Sorry.. Di 'ko naman sinasadya na sabihin yun" sabi 'ko pero 'di niya ako pinansin. Hay.


"We're here!" sigaw ni Rodney kaya nag-unhan na sila lumabas ng bus


Nang makalabas na kami ng bus ay agad na lumapit saakin sina Lea.

Stop Acting Like You CareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon