Chapter 5: The Loopy

75.5K 1.9K 114
                                    




CHAPTER 5

CHIANTI'S POV


Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa bago kong natapos na painting. Wala namang problema sa painting. Sa katotohanan ay maganda ang pagkakapinta ko roon na para bang hindi larawan lamang kundi totoong tao ang nasa harapan ko. Iyon nga lang, isang nude painting and nalikha ko. And no, that's not the major problem. The problem is I used Gaige Hendrix as a model for my craft.


I don't even know why I used him. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na ipinipinta ang mukha ng binata. And now it's finished and I have a huge nude painting of a man I just met twice. Perfect.


"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" tanong ko sa painting kung saan nakadapa ang hubad na lalaki at nang-aakit na nakalingon sa akin. "Kapag nagkastiff neck ka hindi ko na kasalanan."


Tumayo na ako at naglakad papunta sa kusina. Iniwasan ko ang mga brush, paint canister at kung ano-ano pa na nakaharang sa daraanan ko. Nang makarating roon ay kaagad kong tinungo ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig para uminom.


"Wew! Bakit ba ang init?" Tumingin ako kay Mr. Snipes na kapapasok lang sa kusina. "Naiinitan ka din?"


Saglit na tinitigan niya lang ako pagkatapos ay taas ang buntot na tumalikod siya at iniwan ako na mag-isa.


Pinaikot ko ang mga mata ko. Nagmana na ata sa akin ang pusang iyon. Hindi naman imposible dahil ako lang naman ang nakakasalamuha niya. Nang minsan naman na subukan ko siyang ilabas ay halos kalmutin na niya ako sa inis dahil naiingayan siya sa mga tao. Gusto niya lang talaga dito sa bahay at nilalaro ang mga laruan niya.


Dala ang baso ng tubig na bumalik ako sa living room. Muntik ko pang mabitawan ang dala ko nang mapatingin ako sa painting. "Bakit ka ba nanggugulat?!"


Impit na napatili ako sa inis. Kailangan kong kumalma. At hindi ko magagawa iyon habang nakikipagtitigan sa Gaige Hendrix na ito. "Makapunta na nga lang sa The Corner bago pa ako tuluyang mabaliw dito."


Hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit dahil malapit lang naman ang The Corner dito sa condominium na tinutuluyan ko. Kinuha ko na lang ang susi at wallet ko at pagkatapos ay umalis na ako.


Walking distance lang ang The Corner, isang shop kung saan makakabili ng mga hobby materials, movies,  books, at music albums. Bihira nga lang ako sa kanila bumili dahil mahal ang mga tinda nila. But since I don't have plans to drive and go to the mall, okay na rin na sa kanila na lang ako bumili.


Nang makarating roon ay agad napako sa akin ang paningin ng dalawang empleyado at dalawa pang mamimili. Hindi ko na lang sila pinansin at kumuha na ako ng basket pagkatapos ay dumiretso sa hobby section.


"Buti naman kumpleto." bulong ko habang inilalagay ko sa basket ang mga paint na kailangan ko. Iyong iba kasi ay naubos ko na at ang iba naman ay paubos na. Kailangan may stock talaga ako dahil mahirap na kapag bigla na lang akong tinamaan ng kasipagan para magpinta.


Nang makuntento na ako ay lumapit ako sa cashier at inilagay ko roon ang basket. Dumako ang tingin ko sa banner ng tindahan at wala sa sarili na nagsalita ako, "Bakit The Corner ang pangalan ng lugar na ito kahit nasa gitna kayo ng dalawang shop? Wala naman kayo sa corner. Weird."


Napakamot sa ulo ang lalaki na nasa likod ng counter. "Po?"


Kumurap ako. "Nevermind. Pakiswipe na lang ang mga ito. Titingin lang ako ng mga movie doon."


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon