CHAPTER 16
CHIANTI'S POV
"Chianti."
Napakurap ako at nahugot ang diwa ko mula sa paglipad niyon sa kung saan-saan. Binalik ko ang atensyon ko kay Victoria na ngayon ay nakaupo sa harapan ko at kumakain.
"May problema ka ba? Kanina ka pa tulala." nag-aalalang tanong niya.
"Wag mo na akong intindihin Vicky. I'm fine. Kumain ka na lang dahil namamayat ka na. Hindi mo ata sinusunod ang nurse mo."
Pinaikot niya ang mga mata niya at nagpatuloy siya sa pagkain. Dinalaw ko siya dahil tumawag ang nurse niya para magsumbong na pinapagod daw ni Vicky ang sarili at laging nakakalimutan ang kumain. Minsan ayaw pa nga daw.
"Kuwentuhan mo naman ako." sabi ni Victoria pagkaraan. "Kamusta ang gallery?"
"Okay naman. Mabenta dahil walang ibang mapagtapunan ng pera ang mga mayayaman kong kliyente."
"O dahil sadiyang magaling ka?"
I rolled my eyes at her. Mataas pa ang kumpiyansa ni Vicky kesa sa akin pagdating sa mga painting ko. She's been supportive of my craft ever since I started. Kahit pa nga noong mga panahon na daig ko pa ang color blind sa pagpipinta.
Nangingiting inusog ko sa kaniya ang plato na may hiwa ng mga prutas. Sinenyasan ko siyang kumain at kaagad naman siyang sumunod. Sa kabila ng pinapakita niyang sigla, alam kong nahihirapan siya sa sakit niya.
Siguro iyon din ang dahilan bakit pinapagod niya ang sarili niya sa ibang bagay. Para makalimutan ang sakit niya. God knows I could force myself to paint non stop if that would mean that I can erase Exquisite from my mind.
Bukod pa sa sakit niya alam kong inaalala ako ni Vicky. At iyon ang dahilan kung bakit nagpasya akong hindi sabihin sa kaniya ang tungkol sa kasunduan namin ni Gaige. Ayoko na siyang bigyan pa ng alalahanin.
"Vicky?"
Nag-angat siya ng tingin mula sa kinakain. "Ano 'yon?"
"Baka mawala ako saglit. May importante lang ako na kailangang asikasuhin. Pero kung may kailangan ka o kailangan mo ako, tawagan mo lang ako at pupuntahan kita agad. And your nurse will update me about your health kaya wag kang magpapasaway."
"Kung makapagsalita ka parang mas matanda ka pa sa sakin ah?" natatawang sabi niya. Saglit lang nanatili ang ngiti sa labi niya ngunit pagkaraan ay unti-unti rin iyong nawala. "Pero paano ang trabaho mo sa Exquisite?"
Napalunok ako, "A-Ano...pinayagan naman nila ako. Matagal na rin ako sa Exquisite kaya maluwag ang pagkakahawak nila sa akin."
"Mamaya dagdagan pa nila ang tagal mo sa korporasyon na iyon."
BINABASA MO ANG
Exquisite Saga #1: Chianti Callahan
RomanceSi Chianti Callahan ay isang painter na iisa lamang ang pinakahinahangad sa buhay. Ang makawala mula sa pagkakatali sa isang madilim na parte ng kaniyang pagkatao...sa isang korpasyon, ang Exquisite. Ngunit tatlong taon pa ang kinakailangan niyang g...