Chapter 20: The Euphoria

72.9K 1.8K 138
                                    



A/N: Have patience with me guys :) Busy lang talaga. Harthart <3


CHAPTER 20

CHIANTI'S POV

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko o tinutulugan mo na ko?"


Napakurap ako sa malalim na pag-iisip at nag-angat ako ng tingin kay Gaige na nakatunghay sa akin. Hawak pa rin niya ang isa kong kamay para alalayan iyon sa paghawak sa decanter ng kape kung saan nilalaman niyon ang kakabrewed lang na kape.


"Ha?"


Naiiling na kinuha niya sa akin ang decanter at ipinatong iyon sa counter. Itinuro niya ang tasa ng kape sa harapan namin. "Hindi na heart ang ginagawa natin."


Ipinilig ko ang ulo ko para gisingin ang sarili ko at tinignan ko ang tasa. Napangiwi ako ng makita kong wala ngang nabuo roon. Kung bakit naman kasi tuturuan lang ako s apag gawa ng latte art ay kinakailangan pa na sobrang lapit niya sa akin. I can't even think straight when he's at the opposite side of the room. Ano pa kaya na halos wala ng distansiya sa pagitan namin?


"Gusto mo bang mag swimming na lang tayo?"


Sinimangutan ko ang lalaki. "Kulang lang ako sa tulog. Ako pa? Kayang kaya ko 'to. I'm an artist you know?" nakapameywang na hinarap ko siya. "And the heart is not visible, Mr. Hendrix. Makikita mo lang ito kapag binuksan mo ang dibdib ng isang tao. That is art. You need to think about the deeper meaning-"


Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang niyang pisilin ang ilong ko. Akmang aalma na sana ako ng yumuko siya at binigyan ng magaang halik ang ilong ko na pinanggigilan niya at paniguradong namumula na.


"Magkalinawan nga tayo, Mr. Hendrix. Hindi tayo friends okay? 'Wag ka ngang masyadong FC. You know? Feeling close."


"Hindi naman talaga tayo magkaibigan. Friends wouldn't do this." he said and put a hand on the lower part of my back and pulled me close. "Or do this." he whispered and lean down, his lips almost an inch away from mine.


And as always, I was spellbound. There's no use on denying it. Alam ko na maraming nagbago sa sandaling nakilala ko siya. Mga bagay na gusto kong pigilan pero wala akong magawa. I want to run away from it at the same that I don't want to.


Bawat segundo na nakakasama ko siya nakikita ko kung sino ang totoong Gaige Hendrix. Na hindi lang siya ang Gaige Hendrix na kayang makuha ang kahit na anong bagay...ang kahit na sino sa isang pitik lang ng mga daliri niya. That he works hard for everything that he has. That he takes care of everything he owns.


Hindi na nakakapagtaka kung bakit mataas ang respeto ng mga tauhan niya sa kaniya. Dahil sa kabila ng yaman niya ay makikita sa kaniya ang pagiging simpleng tao. That he's not so hard to reach and if he really is...he will go down to the pedestal to be with you.


"So...wanna try again?"


Sunod-sunod na napakurap ako ng imbis na ang inaasahan ko ay lumayo siya sa akin at muling kinuha ang decanter. May maliit na ngiti sa mga labi niya na tila may kung anong sekreto siyang itinatago sa akin.

Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon