Chapter 26: The Captive

58.8K 1.5K 151
                                    


CHAPTER 26

CHIANTI'S POV


Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng malaman ko ang totoo. Tatlong araw na rin na hindi ko nakikita at nakakausap si Gaige. Sa loob ng mga araw na iyon nanatili ako sa bahay niya kahit na iyon ang huli kong gustong gawin.


Ngunit ng araw na iyon...nang malaman ko ang totoo, hindi ko magawang umuwi. Tumuloy ako kay Victoria na hinayaan akong umiyak sa mga bisig niya. Hindi siya nagtanong ng kahit na ano at hinayaan lang ako.


I was used on being a disposable toy for men. Sanay na ako na hindi mag hangad ng higit pa sa kahit na sino. But being with him, I felt safe. Safe enough to destroy the walls around me. At sa oras na iyon kung saan nawala lahat ng mga harang sa paligid ko ay siyang oras din na hinayaan ko ang sarili ko na masaktan.


Masyado akong nangarap ng mataas. Masyado akong umasa na kaya akong pahalagahan ng isang katulad niya.


Tama ako. Him betraying me won't just break me...it will destroy me. And he did.


Now here I am still here. Kahit na ang gusto ko ay tumakbo at takasan ang buhay kung saan inilagak ako, idinapa at hindi pinapabangon. It's funny how life really loves to play games with me. Para akong bata na umaabot sa kahon ng candy na kung kailan makukuha ko na ay papaluin naman ang kamay ko. Paulit-ulit akong tatakamin pero sa huli hindi ko pa rin makukuha iyon.


Nandito pa rin ako dahil tinatanggap ko na. Tinatanggap ko na na talunan ako. Na hanggang dito na lang. Na wala pa ring nagbago dahil isa pa rin akong bayarang babae na kayang-kayang palitan.


But God, how cruel this life can be that it take me to this moment that I finally am ready to admit that I already fall for him just to realize that everything ain't real.


"Miss Chianti? Okay lang ho ba ang pagkain na inihanda o papalitan namin?"


Nag-angat ako ng tingin sa kasambahay ni Gaige na lumapit sa akin. Nag-aalalang tinignan niya ang napakaraming putahe na nasa harapan ko at hindi ko pa rin nagagalaw.


"Yes, it's okay. Pasensya na pero wala talaga akong gana."


"Pero hindi pa rin ho kayo nagtatanghalian."


Tumayo ako at pilit na ngumiti. "Aalis kasi ako mamaya. Kakain na lang ako sa labas. Pakisabi na lang kay Chef Giovanni na pasensya na."


Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng babae at lumabas na ako ng dining area. Saktong nakarating na ako ng living room at aakyat na sana ako sa guest room kung saan ako lumipat nang biglang bumukas ang front door at iniluwa niyon ang huling taong gusto kong makita.


Nagtama ang mga mata namin. My hazel eyes to his chocolate ones. Eyes that showed me sincerity and emotions before and now denies me those.


Pilit na pinatatag ko ang boses ko at hindi ko binawi ang aking paningin mula sa kaniya na nagsalita ako, "Since I'm not using my weekends as my day off, can I have this night for myself?"

Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon