Chapter 21: The Prey

72.1K 1.6K 230
                                    




A/N: Sa nakakakilala sa magandang bisita sa update na ito, cameo lang siya. Pati na ang organisasyon. Romance ang genre nito guyth kaya wag na umasa <3

CHAPTER 21

CHIANTI'S POV


Nananatiling nakapikit ang mga mata na nag-inat ako. Automatikong inabot ko ang espasyo sa tabi ko ngunit napamulat ako nang hindi ko maramdaman si Gaige roon. Dahan-dahan akong bumangon at inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto. Huminto ang mga mata ko sa kulay pulang rosas na naka patong sa ibabaw ng unan ng lalaki at katabi niyon ay isang maliit na papel.


I'm out for a swim. Kapag nakabalik na ako at tulog ka pa, I'll wake you up with kisses...and what this rose signify. But If you wake up before I come back, just take this with you and I'll pay my debt later.

G.H.


Nangingiting kinuha ko ang rosas at inamoy iyon. He gave me a sunset rose before...now he gave me a red one. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga rosas na ito. But for now, I will just put it in a closet in the back of my head. Just for now.


Inabot ko ang papel na pinagsulatan ni Gaige at muling binasa iyon. Should I stay in bed then?


Naiiling na hinila ko ang kumot at ipinalibot ko iyon sa katawan ko bago ako tumayo. I should replenish my strength first. Hindi ko na alam kung anong oras kami nakatulog...dahil...


Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Sinundan ko ng tingin ang mga nakakalat kong mga damit sa sahig. Damit ko lang dahil in the first place...wala naman na talagang suot si Gaige kahapon.


Nilagpasan ko ang mga damit ko at tinungo ko ang kabinet rito sa kwarto. Binuksan ko iyon at kaagad na dumapo ang tingin ko sa mga damit ni Gaige na maayos na nakatiklop at nakasabit doon.


Sa Exquisite, may dalawa lang akong choice. Mabilis suotin ang mga damit ko at umalis o hintayin kong maunang umalis ang kliyente. There's no emotion and no cliche talks like 'That was the best night of my life'. Except to those few men who think they own me after having me. Na animo nakakalimutan nila na trabaho lang ang dahilan kung bakit kami nagkasama.


But right now...it feels different. Na para bang hindi ko kailangan magmadali at hindi ko kailangang matakot sa kung anong aasahan ko kay Gaige. Because he made it clear. He will come back.


Kinuha ko ang puting polo ni Gaige na maingat na nakasabit. Binitawan ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at isinuot ko iyon. Lagi kong nakikita ito sa mga pelikulang napanood ko. Noon hindi ko maintindihan kung nao bang purpose nang pagsuot ng damit ng kapareha mo. Pero ngayon ay naiintindihan ko na iyon. There something...romantic about it. To be wrapped with your partner's clothes as if he's still embracing you just after a night full of passion.


Sinarado ko ang kabinet at tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa pintuan niyon. Malaki sa akin ang damit pero komportable ako ro'n. I can imagine Gaige's big built consuming me...literally and not.


"Ang aga-aga Chianti ah." bulong ko sa sarili ko.


Naglakad ako palabas ng kwarto. Nagpalingon-lingon ako ngunit walang tao roon. Hindi ko din makita si Duane. Tahimik na tinungo ko ang daan papunta sa kusina ngunit napatigil ako ng may mapansin ako sa labas ng bahay.


Dahil sa salamin ang nakapalibot sa sala ay kita ko mula sa kinatatayuan ko ang labas kung saan ngayon ay may mga lalaking nakatayo roon at nakatalikod sa akin.


Napakunot ang noo ko. Bodyguards? Naiintindihan kong mayaman si Gaige at kailangan niya ng bodyguards. Pero ngayon ko lang sila nakita na nakabantay talaga at na bungad. Idagdag pa na madami sila hindi katulad kapag kasama ko si Gaige na kaunti lang ang nakasunod sa amin.


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon