Chapter 12: The Painting

65.9K 2.1K 153
                                    







CHAPTER 12

CHIANTI'S POV


Kasabay ng paglayo ko kay Gaige ay ang pag-andar ng sinasakyan namin. Pumiksi ako ng magtangka siya ulit na hawakan ako. "May gusto lang akong linawin Mr. Hendrix."


"Gaige."


"Mr. Hendrix." ulit ko. "Alam ko na pag-aari mo na ako pero ikaw na din ang may sabi na ibang serbisyo ang hinihingi mo sa akin. At iyon ay ang magpanggap bilang asawa mo. If you will keep on doing this then I propose that you make an another contract for the two of us."


Hinanda ko ang sarili ko sa galit niya ngunit nanatiling kalmado ang ekspresyon niya. "Noted. Anything else?"


"Yeah." I said. "Do not kiss me without asking me first."


"Okay."


Umangat ang sulok ng labi ng binata at kinuha ang cellphone niya na tumutunog at sinagot iyon. Tumingin na lamang ako sa bintana at pilit na inignora si Gaige kahit na ng marinig ko na tapos na ang pakikipag-usap niya sa nasa kabilang linya.


Si Gaige lang ang nag-iisang tao na kayang guluhin ang mga emosyon ko. I'm not stupid. Alam ko kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ko kapag nandiyan siya. I'm attracted to him and he's obviously attracted to me. It's just that I don't understand him. His actions doesn't make any sense. Like spending thousands of pesos everyday for a woman like me? That's kinda hard to process.


"Chianti, we're here."


Napakurap ako. Nasa tapat na pala kami ng tinutuluyan ko na condominium. Tahimik na lumabas ako at pumasok sa loob habang nakasunod sa akin ang lalaki. Tinanguhan ko lang ang concierge na halata ang pagkagulat ng makita si Gaige at pagkatapos ay tinungo ko na ang elevator. Bihira naman kasi ako magdala ng kasama sa condo ko. Let alone a man.

Nang bumukas ang elevator doon ko lamang nagawang lingunin si Gaige. Napakunot ang noo ko ng makita ko na may dala siyang paper bags. "Ano 'yan?"


"Food and wine."

Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi magkakatotoo ang iniisip ko na hindi magtatagal si Gaige. Mukhang pinlano na niya talaga ito.


Hindi na ako muling umimik at tumingin na lamang ako sa pabago-bagong numero ng elevator. Nang marating ang palapag ko ay inilabas ko ang private key ko at tinipa ang security code ng unit ko.


Bahagya kong nilingon si Gaige nang bumukas ang pintuan ng elevator at bumungad ang tinitirhan ko. "Well. This is it."


Pumasok ako sa loob at sumunod naman si Gaige. Inihagis ko kung saan ang clutch ko at binuksan ko ang mga ilaw. Wala pa ring imik ang binata at unti-unti na akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano mamuhay ang bilyonaryo pero panigurado ako na hindi sila namamalagi sa ganitong kagulo na lugar.


Yes, my house is clean...for an artist at least. Para sa mga normal na tao lalo na sa isang katulad niya malamang ay mukhang pig sty ang mga ito sa mga mata niya.


"Wow."


"You know Gaige you don't need to stay here." I said, turning to him. "Pwede naman ang mga painting ko sa gallery ko ang tignan mo. My place is not really a-"


"You have a lovely view." he said pointing at my massive windows. "A lovely place especially with all these paintings. And it's spacious."


"Err...right."


Muling kumurba ang pamilyar na ngiti sa mga labi niya. "Hindi kailangan ng maraming gamit para masabing maganda ang isang bahay, Chianti. Lalong hindi kailangan na ipaayos pa sa isang sikat na interior designer para matawag na maganda ang isang lugar. This is your home and you're comfortable here. Relax."


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon