Chapter 32: The Beauty

51.1K 1.4K 129
                                    




A/N: 3 chapters to go! Use the tweetah hashtag #GAIANTI and #Exquisite Saga <3 @MsButterflyWP


CHAPTER 32

CHIANTI'S POV

Nanatili akong walang imik habang nakaupo at panaka-naka ay tinitignan ng mga nagkukuwentuhan kong kaibigan. I asked them to meet me here at Aroma Cafe. A new thing for the four of us dahil kadalasan noon ay sila ang nag-aaya sakin na lumabas ng 'lungga' ko. But I want to meet them. Hindi nga lang naging madali 'yon kaya umabot pa ng mahit isang linggo bago kami nakapag kita-kita dahil sa mga busy schedule nila. At hindi pa din naman ako gano'ng kahanda na kumawala mula sa protective bubble namin ni Gaige.

It took me a lot before I can manage to muster the strength to get out without him. But I needed to. Kailangan kong matutong mag-isa. But Gaige being Gaige made sure that I will be tailed by his security team. Hindi nila ako lalapitan pero alam kong nakasunod sila sa akin.

So now here I am with my friends in our favorite coffee shop.Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila ang tungkol sa pagbalik ng pandinig ko. I want to tell them personally...after all they've been with me through all my struggles. Kahit hindi man gano'n kami kadalas nagkikita, hindi nawala ang pagpaparamdam nila ng suporta at pag-aalala para sakin. Kahit pa na alam ko na katulad ko ay madami din silang pinagdadaanan ngayon.

It's like everything is unraveling. Like it's a domino reaction and that everything are slowly collapsing one by one.

But we're all Exquisite girls. Ang dami na naming pinagdaanan. Ang dami na naming kinaya. Ang dami na naming nilagpasan. Kaya sa kabila ng lahat ng mga nangyayari...alam ko na kakayanin namin. Malalagpasan din namin.

We deserve more. I know that now. Sa dami ng binigay samin na pagsubok...we could have had better. We deserve better.

I wouldn't realize that without my husband. Kasi kahit ano pa ako at kung ano ang tingin kong ako, hindi niya pinaramdam sakin na sobra na ang meron ako. He keeps giving me more and more.

Kaming apat, no, lahat kaming Exquisite girls...we deserve that. At kung hindi man namin magawang makita 'yon sa ngayon, balang-araw, sa tulong ng taong mamahalin kami sa kabila ng kung anong buhay ang meron kami ay magagawa din naming tanggapin 'yon.

"Do you think she's okay? Kanina pa siya hindi umiimik."

Narinig kong nanggaling kay Rous 'yon pero nanatili akong tahimik na umiinom ng paborito kong frappe'. Bahagya akong nag-angat ng tingin at nakita kong naglalabas si Syrah ng notebook at cute na ballpen at inabot 'yon kay Asti.

"O, bakit ako?" tanong ni Asti.

Inusog ng babae ang hawak at ipinagpipilitang ibigay 'yon kay Asti na ayaw naman 'yong kunin. "Baka ma-offend kapag ako."

"So okay lang ako ang maka-offend?"

"Sanay naman kaming ma-offend kapag galing sa'yo."

"Wow."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan na mapangiti pero tuluyan ng kumawala ang tawang pinipigilan ko nang makita ko ang reaksyon sa mukha ni Asti na parang gustong kalmutin si Syrah na matamis paring nakangiti sa babae.

Dahan-dahan silang napalingon sakin sa bigla kong pagtawa at lalo akong napahagikhik sa mga namimilog nilang mga mata. Binaba ko ang inumin ko at kinuha ko kay Asti ang notebook pati na ang ballpen para magsulat do'n.

'You know, it's quite rude to talk about me like I'm not here.'

Nang maisulat ko ang mga salitang 'yon ay ibinaba ko ang notebook sa gitna ng lamesa para mabasa nilang lahat 'yon. Halos magkauntugan pa silang tatlo nang sabay-sabay silang dumukwang para basahin ang sinulat ko doon. Napangiti ako ng hindi makapaniwalang nag-angat sila sa akin ng tingin matapos makita iyon.

Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon