CHAPTER 6
CHIANTI'S POV
"But it's Sunday tomorrow."
Bumuntong-hininga si Dianne na siyang kausap ko. Katatapos ko lang kasi na magreport sa kaniya. Every Saturday, lahat ng Exquisite girl ay kinakailangan na magreport ukol sa mga naging trabaho namin sa nagdaang linggo sa aming mga department heads. Kailangan rin na magpacheck-up kami sa isa sa company doctor ng Exquisite. Pag Sunday naman off ko. Depende sa Exquisite girls kung ano ang araw ng off nila.
"Wala tayong magagawa, Chi. Ang founders ang nagdesisyon. Mukhang importante ang kliyenteng iyon para sa kanila."
Mariing napapikit ako. Iisa lang naman ang rason kung bakit mahalaga ang isang kliyente sa founders. Walang iba kundi dahil sa pera. Ano pa ba ang maaaring maging dahilan?
Ayoko namang makuha ang pansin nila. Ngayon pa na sa nakalipas na dalawang buwan ay natigil na ang bulong bulungan tungkol sa hindi ko pagkuha ng trabaho na kinakailangan ang full service ko. Idagdag pa na malaki ang naitulong ng kliyente ko na si Mr. Gambao para maging posible iyon.
"Anong kailangan kong gawin?" sumusukong tanong ko.
"He'll need you as an escort. But the founder doesn't made it clear so there's a chance that he might ask you for more than that. Hindi parin nakakapag desisyon ang kliyente at gusto ka munang makilala. You can still wear your mask if you want to just in case he change his mind. He'll just tell you the details tomorrow at siya na din ang mag se-set ng date kung kailan niya kailangan ang serbisyo mo."
"Dianne, I'm trying not to give myself away more than I already did." Rinig sa boses ko ang kapaguran. It's been years. Pagod na ako. I just don't know how much more that I can take.
Umuklo siya at inabot ang kamay ko. Kita sa mga mata niya ang pag intindi. Pero alam namin pareho...alam namin na wala kaming magagawa.
Tumingin ako sa ceiling at iniangat ko ang mga kamay ko tanda ng pagsuko. "Fine."
Nagpaalam na ako sa kaniya at umalis. Tinungo ko ang pinagparadahan ko ng kotse at pinasibad ko iyon paalis. Dumaan lang talaga ako sa Exquisite para sa Saturday reporting at check-up pero may lakad talaga ako ngayong araw. Buong durasyon ng byahe ay nakaukilkil lang sa utak ko ang mga maaaring maganap.
Kalahating oras ang lumipas at hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang simpleng two storey house. Inilabas ko ang dalawang paper bag mula sa trunk ng kotse at bitbit ang mga iyon na naglakad ako patungo sa front door ng bahay.
Bago ko pa mapindot ang doorbell ay bumukas na iyon at bumungad ang isang babae. The woman is in her late thirties but her beauty is unmistakable. Victoria Meneses.
Nakangiting nilawakan niya ang pintuan at iginaya ako papasok. "Buti nakarating ka. Alam ko na masyado kang busy kaya akala ko hindi ka makakapunta."
"Bakit ikaw ang nagbukas ng pintuan, Vicky?" tanong ko sa halip na sagutin ang tanong niya. "Nasaan ang private nurse mo?"
Victoria waved her hand. "Nasa loob inihahanda ang pagkain ko."
"Hindi ka dapat tumayo sa kama mo."
"Chianti, hindi ako imbalido. Hindi naman puwede na lagi na lang akong nakaratay sa kama ko. Kailangan ko din na maglakad-lakad."
Pinaikot ko ang mga mata ko. Hindi na ako magtataka kung makikita kong puti na ang buhok ni Rita, ang private nurse niya. Kung umakto kasi si Victoria ay para bang wala siyang sakit. "Wala na akong sinabi."
BINABASA MO ANG
Exquisite Saga #1: Chianti Callahan
RomanceSi Chianti Callahan ay isang painter na iisa lamang ang pinakahinahangad sa buhay. Ang makawala mula sa pagkakatali sa isang madilim na parte ng kaniyang pagkatao...sa isang korpasyon, ang Exquisite. Ngunit tatlong taon pa ang kinakailangan niyang g...