Chapter 11: The Catch

70.6K 2K 116
                                    




CHAPTER 11

CHIANTI'S POV


Inikot ko ang buhok ko at isinuksok ko doon ang lapis na naabot ko. Kagat ang ibabang labi na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga papel sa harapan ko at sa malaking screen kung saan may ipinakikitang mga larawan.


"So, your grandfather's name is Devin Hendrix. Sixty-five years old and a widower. Masungit din siya at makaluma ang pananaw sa buhay. Hindi niya gusto na sinasalungat siya lalo na ng mga babae." tinuro ko ang isa pang papel sa harapan ko. "Your grandfather's son, your father, also have two siblings. Isang babae at isang lalaki na gusto kang pahirapan sa pagkuha ng mana mo dahil gusto nilang kaniyahin ang mga iyon. Hindi sila kuntento sa makukuha nila dahil malaki ang porsyento mo dahil una, anak ka ng paboritong anak ng lolo mo at pangalawa ikaw ang nagpakahirap para itaguyod ang kompanya. Tama ba ako?"


"Yes." Gaige answered while he's comfortably seating on his swivel chair. Nandito kami sa conference room sa kompanya niya.


"Wala ding pinagkaiba ang mga pinsan mo na gusto ding agawin sa iyo ang lahat. Especially this Enzo Hendrix."


"You got that right."


Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa ko. "Ang drama ng buhay mo. Ipasa mo kaya sa media ang storya ng buhay mo? Paniguradong sisikat ka."


Umangat ang sulok ng labi ng binata ngunit hindi na siya nagkomento pa. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa kong pagbabasa. I need to memorize them all. Para alam ko kung kanino ako mag-iingat. But looks like it's not that hard. Halos wala namang mapagkakatiwalaan sa pamilya niya maliban sa mga magulang niya.


"No offense, but you have a lot of stupid relatives. Sa tingin ba nila hahayaan mo na lang na mawala sa iyo ang kompanya na matatawag mo na ngang sa iyo dahil sa lahat ng ginawa mo para dito?"


"Hindi ko sila masisisi. Malaki ang pumapasok na pera sa kompanya." sagot ng binata kasabay ng pagkibit-balikat.


"At ang lolo mo? Anong trip niya? Sa totoo lang sa pelikula lang ako nakakakita ng ganitong sitwasyon. It's not like you can't live without a wife. Bata ka pa naman, hindi mo kailangan na magmadali."


"I'm the favorite grandson. He wants me to be happy."


Nangalumbaba ako at sinalubong ko ang mga mata niya kahit na iyon ang huling bagay na gusto kong gawin. Pakiramdam ko ay tinutunaw ako ng mga tingin niya. "Hindi ka ba masaya?"


"I am happy. Or that's what I thought before."


"So you're not?"


"I'm contented. That's different from happy, right?"


Sinimulan kong ayusin ang mga papel sa harapan ko. "Pareho lang naman ang dalawang iyon para sa akin. If I'm contented then I'm happy."


"Maybe you just don't know the difference yet."


Tinapunan ko siya ng mabilis na tingin bago ko pinaikot ang mga mata ko. Mahilig talaga siyang magsalita ng malalim na para bang hindi pwedeng walang ibang kahulugan ang mga sinasabi niya. Minsan hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong edad niya. Kung makapagsalita kasi siya parang ipinanganak siya noong unang panahon.


"Do you want me to restart this?" asked Gaige, pointing at the screen.


"Hindi na kailangan. Kabisado ko na."


Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Malaki ang angakan namin. Are you sure?"


"I've done this before, Mr. Hendrix. Madali akong magkabisado ng mukha, pangalan, at impormasyon dahil kinakailangan iyon sa trabaho ko."


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon