Chapter I. School Palaro

65 9 0
                                    

Ellaine


"Manong, bayad ho."


Bumaba na ako ng jeep. Nakakainis naman. Dapat kasi natutulog ako sa bahay pero nandito ako ngayon sa school para magpractice ng roleplay. Palaro nga pero tambak ang requirements. Buhay-Bio nga naman.


Dumating na ako sa meeting place namin pero wala mga classmates ko dun. Saang lupalop na naman kaya ng school nagsusuot yung mga taong yun? Nag effort akong pumunta tapos wala sila. Mga paasa.


Naglakad-lakad na lang ako palibot ng campus. Andaming booths. Andaming pwedeng kainin. Kakain na lang ako ng streetfoods para di naman masayang pasahe ko. Manonood na lang din ako ng basketball game. Baka sakaling may mahanap pa akong gwapo dun. Diba, instant ka-forever?


"Miss, baka gusto nyo po ng fishball?"


"Sige po, Kuya. Isa nga po"


Binigay ni Kuya yun binili kong fishball. Infairness, masarap siya. Makabili pa nga ng isa pa.


"Kuya, isa pa nga po."


"Kuya, fishball po."


Napatingin ako dun sa isang costumer. Mukhang makikipag-agawan pa ata sakin 'to. Di ba niya nakikitang andami-dami ng binebenta ni Kuya? Lumapit ako ng konti para tingnan siya. Parang nakita ko kasi siya dati, di ko lang alam kung saan.


"Ellaine?"


"Ha? Paano mo ko nakilala?"


Crap. Ba't kilala nya 'ko? Baka isa 'to sa mga stalker ko. Tapos kikidnapin nya ako. Tapos papatayin niya ako dahil ayoko sa kanya. Yung parang sa movie. Hindi pwede. Kailangan ko nang umalis. Maglalakad na sana ako palayo nang bigla niyang hinawakan yung braso ko tsaka nagsalita.


"Hoy, saan ka pupunta? Kain muna tayo. Libre ko nga o."


"Ay. Next time na lang. Kailangan ko na umalis e.


Hinila ko na yung braso ko tsaka lumakad palayo. Nang medjo makalayo-layo na ako, lumingon ako. Mukhang wala naman siya e. Huminga ako ng maluwag. Uuwi na lang siguro ako.


"Boo!"


"Ay! Juskopo!"


Tawa ng tawa yung taong nanggulat sakin. Nang mahimasmasan ako, saka ko lang siya nakilala. Si Mr. Fishball pala.


"Wow. Ang dami mong tawa ah. Mga ilan yan? Mga bente?"


"Yung mukha mo kasi nung nagulat ka! Sobrang nakakatawa!" sabi niya habang nagpipigil ng tawa.


When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon