Chapter VII. "Sorry"

29 8 0
                                    


After 45 minutes, isa isa nang nagpass ng papel yung mga classmates ko. Nagmamadali pa nga yung iba, para makauwi daw ng maaga. Samantalang ako, heto, may dalawang items pa na hindi nasasagutan. Sana pala talaga gumawa na lang ako ng kodigo. Di ko naman kasi 'to nakita sa lecture notes ko. Ang daya!


"15 minutes more."


Tinatamad na akong mag isip. Kahit naman kasi pigain ko 'tong utak ko, wala parin akong masasagot. Bata pa lang ako mahina na 'ko sa Math, kaya nga ako nag major ng Biology diba? Di ko rin naman 'to magagamit kapag naging doktor na 'ko. Gusto lang siguro talaga ng mga prof na nahihirapan kame.


Lumingon ako sa likod para tingnan si Renzo at Nate. Si Nate mukhang nag rereview na lang at ilang minuto mula ngayon ay magpapass na ng papel. Si Renzo naman... ayun, pareho ata kame ng kapalaran. Tinignan ko naman si Maine na nasa tabi ko. Bumulong siya ng, "Okay ka lang?" Nag thumbs-up lang ako sa kanya.


"5 minutes."


Jusko. Himala na lang makakaligtas sakin ngayon. Nagpapanic na ako. Limang minuto na lang tapos wala parin akong sagot dito. Tiningnan ko yung papel ko. Sigurado naman ako sa mga ibang sagot. Di naman siguro ako mababagsak kung di ko 'to masasagutan diba? "Okay lang yan, Ellaine. Dalawa lang naman yan." sabi ko sa sarili ko. Tumayo na 'ko at lumapit kay Sir para ibigay sa kanya yung papel.


"Oh Ellaine, ba't wala kang sagot dito? Sayang 'to. 10 points pa 'to." sabi nya sakin pagkabigay ko.


Bumalik na muna ako sa upuan ko para ayusin yung mga gamit ko at ilagay sa bag. Nung palabas na ako saka ko lang siya sinagot.


"Di ko na alam kung paano i-solve yan, Sir. Okay lang po, at least di ako nandaya."


Tumango lang siya at ngumiti. "Time's up." sabi nya.


Nagpass na ng papel ang mga natitira kong classmates. Naghintay akong mag isa sa labas para dun sa tatlo. Nauna na kasi si Laurene, Nico at Kate. May kanya-kanya pa daw silang gagawin. Pagkalabas nila, tinanong agad kami ni Renzo ng, "Nasagutan nyo lahat?" Nag-oo si Maine at Nate sa kanya. Hindi ko pa siya sinagot kasi nahihiya ako.


"Buti pa kayo, ako kasi, di ko nasagutan yun last two problems." nag-aalalang sabi nya sa dalawa. "Ikaw, Ellaine?" pahabol nya pa.


Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nung malaman kong di ako nagiisa. Ang saya-saya ko, sobra.


"Okay lang yan, Renzo. Pareho tayo. Di ko rin nasagutan yung last two questions." natatawa kong sagot sa kanya. "Wag ka mag-alala, di tayo mababagsak."


Unti-unti nang nawala yung bakas ng pag-alala sa mukha niya hanggang sa ngumiti na siya muli. "Oo nga ano? Tara na nga! Umuwi na tayo."


Nagtawanan lang kaming dalawa at nagsimula nang maglakad. Sumunod lang sa'min sila Nate at Maine, na naguusap.


Malapit na kame sa gate ng nagpaalam na si Maine. "Bye guys, anjan na sundo ko. See you next week!" Tumakbo siya palabas ng gate at sinalubong yung lalakeng naka-motor. Nag- mano siya. Tatay nya yata. Nag ba-bye sya ulit samin nang nakasakay na sya. Nagba-bye si Nate at Renzo sa kanya tapos sumigaw ako ng "Ingat!"

When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon