Chapter V. Tres Marios

31 9 0
                                    


"Sabi nya, pinsan nya daw yun. Syempre, di ako naniwala. Sabi ko, "Tanga lang ang maniniwala sa'yo, Abigail. Ayoko na, tigilan na natin 'to." Tapos yun, nag walk-out siya. "


Palakad-lakad si Vance sa unahan namin habang nagkwekwento. Nasa tambayan kami ngayon. Free time namin at may dalawang oras pa kami kaya pinilit ko si Vance na magkwento. Sinama nya na si Nico at Renzo para daw isang beses lang daw nya ieexplain yung lahat.


"Di mo na siya hinabol pagkatapos nun?" tanong ni Renzo.


"Hindi. Syempre. Pinabayaan ko lang siya." mayabang na sagot ni Vance.


"Ayos!" Naghigh five naman sila ni Nico.


Tiningnan ako ni Vance na para bang nagtatanong. He was waiting for me to say something. I sighed. Nag thumbs-up lang ako sa kanya.


"Paano kung magkita kayo ulit?" tanong ulit ni Renzo.


"Oo nga bro. Anong gagawin mo?" dagdag ni Nico.


Hindi ko alam kung bakit tumingin siya sakin. Puno na naman ng pangamba yung mga mata niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Yumuko siya at bumulong ng, "Hindi ko pa alam."


"Hindi mo na naman alam, Vance? Kahapon ka pa ganyan. Ano ba?!" Di ko na napigilan yung sarili ko. Okay na sana e pero hindi na naman daw niya alam. Wala naman ata 'tong alam gawin kundi ang magpakatanga sa babaeng yun.


"Wait......" Nagkatinginan si Renzo at Nico. "Magkasama kayo kahapon?" sabay nilang sabi.


"Oo." mataray kong sagot. "Ano naman kung magkasama kami? At wag nyong ibahin yung usapan. Bigyan nyo yang kaibigan nyo ng mga ideya kung anong gagawin niya kung sakaling magkita sila ng babaeng yun."


"Iiwas na lang ako, guys."


Napatingin kami kay Vance sa sinabi nya. Iiwas. Iiwas lang siya. That's it.


"Seriously, Vance?"


"Bro, di pwede yung ganun. Nasa isang campus kaya tayo."


"Di mo parin yan maiiwasan, bro. Magkikita at magkikita parin kayo."


Sunod-sunod naming sinabi yun sa kanya. Ganito ba talaga siya kahina? Huminga siya ng malalim at yumuko ulit. Wala na munang nagsalita. Tumahimik ang paligid.


Tumayo ako at pumunta sa harapan niya. "Smile at her everytime you see her." Tumingala siya sa sinabi ko. Tiningnan naman ako nila Renzo at Nico. Nginitian ko lang silang tatlo.


"You musn't give her the satisfaction of seeing you cry because she knows that she's the reason behind those tears. Ipakita mong hindi siya kawalan. Hold your head up high. Yun. Yun ang gagawin mo, Vance."

When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon