Chapter II. Free Hugs!

66 10 0
                                    


"Cuuuuuuuuut! And we're done! See you next week guys! Thanks for today!"


Nasa school na naman ako ngayon. Nagpatawag kasi si Mark ng practice. Last na daw 'to. Ipeperform namin kasi yung roleplay next week.


Isa-isa na kaming nagsi-alisan sa pwesto namin. Kinuha ko yung bag ko sa isang tabi at nagsimula ng maglakad. Wala naman din akong ibang gagawin dito.


"Ellaine!"


Nilingon ko yung pamilyar na boses na tumawag sakin. Si Vance. Ano na namang kailangan nito? Naiirita akong humarap sa kanya.


"Oh?"


Agad napalitan ng ngiti yung simangot sa mukha ko nang makita ko siyang nakangisi. Nakasuot siya ng simpleng red polo shirt at brown pants. Nakaayos yung buhok nya sa isang gilid at nakasabit sa leeg nya yung DSLR nya. Mas mukha siyang tao ngayon kumpara kahapon.


"Akala ko ba manonood tayo ng Cheerdance Competition?" masayang nya sabi.


Oo nga pala. Nagtext sya kagabi.


"Wala akong maalala na may sinabi akong oo."


"Oh well, silence means yes."


Napa-buntung-hininga na lang ako at tumalikod. Wala naman din akong magagawa kasi magpupumilit parin siya. Better save my energy.


Naglalakad kami papunta sa Quadrangle ngayon. Doon daw kasi gaganapin yung event. Every year, dalawang colleges ang nagcocompete. Yung Engineering tsaka Nursing. Sila yung mga tipong participative sa mga ganitong events. Kami? Minsan ka lang makarinig ng student from our college na magpaparticipate sa Palaro. Sa dinami-dami ba naman ng lab reports namin, di na kami makahanap ng oras para sa mga ganyang bagay.


"Alas-tres pa lang. Mamaya pa daw 6 magsisimula yung event. Anong gusto mong gawin?" bigla nyang sabi.


"Maglibot-libot na lang tayo. Tingnan natin lahat ng booths. Last day na ngayon diba?"


Tumango lang siya at ngumiti.


"Ba't ako at hindi mga kaibigan mo ang kasama mo ngayon?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi ako nagwo-wonder kung bakit mas pinili nya akong kasama kaysa sa mga kaibigan nya. Kaysa sa girlfriend nya. Ayoko din siyang diretsuhin tungkol sa girlfriend nya kasi baka sabihin nya nagsta-stalk ako sa kanya.


"Masama ba kung kasama kita?"


"Hindi naman. Teka, wag mo nga sagutin yung tanong ko ng isa pang tanong!"


"Okay. Okay." sabi nya sabay peace sign. Huminga sya ng malalim at nagsalita.


When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon