Chapter XI. Special Friend?

33 4 0
                                    


"It's just another night, and I'm staring up the moon ......"


Naalimpungatan ako sa ring tone ng cellphone ko. Anong klaseng nilalang ang tatawag ng ganitong oras? Ang aga-aga pa kaya. Kinapa ko yung cellphone sa bed side table. Pinilit kong ibuka yung mga mata ko para makita yung caller ID. At imbes na matuwa o magulat, nainis ako sa nakita ko. Si Nate. Pinabayaan ko yung cellphone hanggang sa matapos yung pag riring. Wala akong planong sagutin yun. Nang matapos na, tumalikod at nagsaklob ng unan sa ulo ko.


"It's just another night, and I'm ......."


Anak ng nagsasayawang pating naman! Bumalikwas ako sa kama at dinampot yung cellphone. Pinindot ko yung green button at nilagay sa tenga ko.


"Ano ba Nate?! Ang aga-aga ha!" pasigaw na sabi ko.


"Wow ha. Good Morning to you, too." kalmadong sabi.


Ay nako. Magkaroon ka ng sampung kaibigan na ganito, mamatay ka sa kunsumisyon.


"Bukas pa ang outing, Nate. Umayos ka. Gusto ko pang matulog."


"Tulog ka na lang ng tulog, Hazel. May lakad tayo. Tsaka alas-diyes na kaya."


Tiningnan ko yung orasan sa bedside table. 10:17. Edi, alas-diyes! Pake nya ba!


"Bahala ka nga sa buhay mo, Nate."


"Dali na. May lakad tayo. Sunduin kita sa bahay niyo after 30 minutes."


"Ano? Sandali nga -----"


Okay. Inend call niya na. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita. Nilapag ko yung cellphone sa bedside table. Bahala kang maghintay, Aragon. Matutulog ako ulit!


After 3 minutes of struggling to go to sleep again, bumangon parin ako sa kama at pinilit ang sarili kong maglakad papunta sa CR. Isa pa 'to sa mga problema ko kay Nate. Napapasunod niya 'ko sa mga gusto niya.


Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Aba! Nahiya naman yung mata ko sa eyebags ko. Mas malaki pa 'to sila kaysa sa actual size ng mata ko. Naghilamos na lang ako at nag toothbrush. Pagkatapos nun, naligo na ako at nagbihis.


Hindi na ako nagpaka-inarte sa susuotin ko. Isang plain blue shirt, jeans tsaka rubber shoes yung sinuot ko. Madali lang naman umuwi kung hindi appropriate yung attire ko sa pupuntahan namin e. Kasalanan din ni Nate, di siya nag orient. Nag suklay ako ng buhay at nag apply ng konting powder para matago 'tong mga mahal kong eyebags. Nagpabango na rin ako.


Bumaba na ako ng hagdan. Mukhang tulog parin ata ang mga kapatid ko. Palibhasa, weekends at sembreak na ngayon. Pumunta ako sa kusina para mag timpla ng kape. Nakita kong may iniwang note si Mama sa may ref.


"Namalengke lang kami ni Papa. May pagkain sa ref. - Mama"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon