"Good Morning Ellaine!"
Bati nila lahat sakin. Ngumiti lang ako at patuloy na bumaba sa hagdan. Nakaupo na sa magkabilang gilid ng pahaba naming mesa si Kuya Alex at Ate Amy. Nasa dulo naman si Papa. Nasa kusina pa si Mama at nagtitimpla ng kape. Sunday pala ngayon. Kumpleto kame sa bahay.
Umupo ako sa tabi ni Ate. Nagsimula na akong kumuha nang pagkain. Umupo narin si Mama sa tabi ni Kuya.
"Tapos na ba yung Palaro nyo?" tanong ni Papa.
"Opo, Pa. Kahapon lang." sagot sa kanya ni Ate.
Ngumiti naman si Mama sa aming tatlo. "Kamusta naman pag-aaral nyo?" tanong niya.
"Okay na okay po! May upcoming Battle of the Bands nga po pala this October. Sasama kami dun." masiglang sagot ni Kuya.
"Kuya, pag-aaral daw. Hindi yung pag-babanda mo." natatawa kong sabat sa kanya.
Second year Mechanical Engineering Student kasi siya. Actually, sabay kaming mag-ga-graduate kasi 5 years yung kurso niya. Yun ay kung, seseryosohin niya yung pag-aaral nya. Mas seryoso kasi siya sa banda niya kaysa sa studies nya.
"Shut up, Ellaine. Of course, okay yung pag-aaral ko. Pasado nga lahat ng midterm exams ko." pagmamayabang niya sakin.
"It's good to hear that you're actually taking things seriously, Alex." sabi ni Ate. "Baka maunahan ka pa ni Ellaine gumraduate kung puro banda nasa isip mo."
"Nakabalance naman lahat e. Trust mo on this, okay?" sagot nya kay Ate.
Tumango-tango lang si Papa samin. Nakangiti lang si Mama. Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko. Gusto ko na matapos 'to para makapapahinga na ako.
"Ma, Pa" panimula na naman ni Ate. " May educational tour nga po pala kami sa Cebu ngayong summer. Required po na sumama."
"Te, gitara lang yung akin." sabi ni Kuya.
"Ge ba!" At naghigh five pa silang dalawa.
"Sige lang, Anak. " nakangiting sabi ni Papa.
Third year Hotel and Restaurant Management Student si Ate Amy. Gagraduate na siya next year. After nun, magsta-stay siya sa Singapore for two-to-three years para mag-work. May nag-offer na kasi dun sa kanya at okay na yung sweldo. Nag promise naman siya na uuwi siya sa Graduation namin ni Kuya.
"Ba't ang tahimik mo, Ellaine?"
Napatingin ako kay Mama sa tanong nya. Wala naman kasi talaga akong makwekwento sa kanila. First year pa lang ako at wala pa ako masyadong ginagawa sa school.
"Okay lang naman po yung midterm exams ko. Pasado po lahat." sagot ko kay Mama. Tiningnan ko si Papa at tahimik na humiling sa Diyos na sana di na sila magtanong pa.
"Have you met any friends at school? Nakaka-adjust ka na ba sa schedules mo?"
Mukhang di narinig ni God yung hiling ko. Nagtanong parin kasi si Papa. Nagkatinginan si Ate at Kuya sa tanong na yun. Pareho silang ngumiti ng nakakaloko.
"May Ka-ibigan po siya sa school." sabay pa nilang sabi. Tinaasan ko sila ng kilay. Huminga ako ng malalim at nilapag yung kutsara't tinidor sa plato ko.
"I'm fine with my schedules, Pa. I did met someone, just two days ago. He's name is Vance." paliwanag ko sa kanila.
Ngumiti si Mama at nagtanong, " Gwapo ba?"
Natawa kaming lahat sa tanong niya, pati si Papa. Kahit kailan talaga 'tong si Mama. Supportive.
"Hindi e, pero mayaman." sagot ko.
Mas lalong lumakas yung tawa ni Papa sa sinabi ko. Sumimangot naman si Mama. Nagdududang tiningnan ako ng mga kapatid ko.
"Huy, gwapo kaya si Vance." sabi ni Ate.
"Oo nga. Okay kaya yun siya. Mas gwapo nga lang ako." dagdag pa ni Kuya
Lumiwanag naman yung mukha ni Mama. Tumigil na si Papa sa kakatawa at uminom ng kape nya. Napansin kong tapos na pala kaming lahat. Tumayo ako at nagsimulang magligpit ng pinagkainan namin.
"Alam nyo guys, pag-nagwapuhan kayo dun, paniguradong may problema kayo sa mata." magaling kong sabi. " Tsaka di nyo naman sya nakita ng malapitan. 'Te Amy", tawag ko kay Ate. " Ang layo nya kaya nung nakita mo siya." dagdag ko. "Kuya naman", sabay tingin ko kay Kuya, " madilim kaya kagabi. Di mo nakita yung mukha nya, sigurado ako." pagtatapos ko.
Nagkatinginan silang lahat sa sinabi ko. Tapos nun, ay bigla silang nagtawanan.
"Ellaine, wala naman masama kung makipag-kaibigan ka." sabi ni Mama.
"Oo nga anak." pagsang-ayon naman ni Papa kay Mama. "Oh siya, doon muna ako sa sala at manonood muna ako ng basketball." Ginulo nya muna ang buhok ko tsaka siya umalis. Ngumiti lang siya kay Mama.
"Sama ako, Pa" Kinindatan lang ako ni Kuya at sumunod na siya kay Papa.
"Alam mo, ang defensive mo" natatawang sabi ni Ate. Kinurot nya yung pisngi ko bago sya tumalikod. "Akyat muna ako, Ma." Paalam naman nya kay Mama.
Napailing na lang ako sa mga pinagsasasabi nila. Tumungo na ako sa lababo at nagsimulang maghugas ng plato.
"Nak, labas muna ako. May bibilhin lang ako sandali." paalam ni Mama sa'kin.
"Ingat po!" sagot ko naman.
Naiwan na akong mag-isa sa kusina. Ilang minuto pa ay natapos na rin ako sa paghuhugas ng plato at pagliligpit. Umakyat na ako sa taas para maligo. Magbabasa na lang ako ng libro ngayong araw. Wala naman akong ibang gagawin.
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko yung cellphone ko para tingnan kung may nagtext. Meron nga, si Vance. Binuksan ko yung message nya at binasa.
"Wala na kami ni Abi, Ellaine. Kwento ko sa'yo bukas. See you tomorrow!
Ngumiti ako sa text nya. Nilapag ko yung phone ko sa table at nagsimula nang magbasa ng libro.