Chapter IX. Hold my Hand

45 7 3
                                    


Mapayapa pero mabilis lang ang pagdaan ng mga sumunod na araw. Di ko nga namalayan na Biyernes na ngayon at huling araw na ng First Sem. Wala na rin kasi kaming masyadong ginagawa pwera na lang sa pag aasikaso sa clearance namin. Ang labas ko tuloy, bahay-school, bahay-school. Okay na rin yun, mas nakakatulog ako ng mahimbing. 


"So anong plano nyo para sa sembreak?" tanong ni Maine.


Lunchbreak. Nasa canteen kami ngayon. As usual, in-occupy namin yung pinakamahabang table para magkasya kami lahat.  Nasa gitna ako nila Maine na nasa kanan at Laurene na nasa kaliwa. Katapat ko si Renzo tapos katapat ni Maine si Nico, si Nate kay Laurene. Nasa kabilang dulo si Kate. Tapos na kaming kumain actually, nagpaplano lang kami--- sila pala, para sa gagawin nila ngayong break. Kaya ko sinabing sila lang kasi, wala naman talaga akong planong sumama. Ang saya kaya matulog sa bahay tsaka mag movie marathon! Talk about quality time with yourself!


"Mag out of town daw kami sabi ni Papa." sabi ni Kate.


"Family Reunion daw sa'min." sagot naman ni Laurene.


Nag kibit balikat lang si Nate. "No plans." sabi nya.


"Uwi ako sa'min." sabi ni Renzo. Oo nga pala. Nagdodorm lang siya. Kailangan nya munang umuwi sa probinsya pansamantala.


"Got chores to do." sabi ni Nico.


Tumatango-tango lang si Maine sa kanila. Binaling nya ang tingin nya sa'kin. "Ikaw, Ellaine?"


"Wake up. Take a bath. Eat. Watch a Movie.Eat. Read a Book. Eat. Sleep. Repeat." proud na sabi ko. Nakangiti pa nga ako. Pakiramdam ko kasi magiging productive ang sembreak ko.


"Wow. Ang productive, Hazel." sarkastikong sabi ni Nate.


"Aba, syempre, Nate! Ako pa!" Syempre di ako papatalo sa kanya. Umiling-iling lang sya at ngumiti.


Simula kasi nung unang phone call namin, palagi narin kaming nag-uusap bago matulog. Pero sa chat na lang dahil magastos daw pag call. Medjo stupid nga lang kasi araw-araw naman kaming magkasama sa school. Mula sa paboritong naming kulay, kanta, pagkain at kung ano-ano pa hanggang sa mga personal na issues namin na sa  buhay pinag-uusapan namin. Kinwento ko na din sa kanya yung tungkol kay Erron at nalaman ko rin na kamamatay lang pala ng Mom nya last year dahil sa breast cancer. Yun yung dahilan kung bakit pinili nya 'tong kurso namin at gusto nya talaga maging doctor. "I want to save lives." sabi nya pa. 


Para lang siyang si Erron. Epal version nga lang.  Epal kasi palagi siyang nagdidis-agree sa mga kalokohan ko. Si Erron kasi, kung saan ako, dun din sya, kahit ano pa man yan.


"Ikaw, Maine?" tanong ko kay Maine.


"Busy ako sa School Publication natin. Sinasanay na kasi ako ni Ate Althea para maging EIC." sagot nya.


"Wow. Nakakaproud ka, Besh."


"Ang galing mo talaga, Maine."

When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon