Chapter VI. Finals

30 9 0
                                    


"Vance, paturo daw dito."


Naguguluhang inabot ni Renzo yung Math notebook nya kay Vance. Di pa agad yun napansin ni Nate kasi masyado siyang nakaconcentrate sa sariling notebook nya.


"Hoy, Vance Nathaniel, magkatabi lang man sana tayo." pasigaw na sabi ni Renzo.


Bahagyang nagulat si Vance nung napansin nyang tinatawag pala sya ni Renzo. Tumawa siya ng konti tsaka kinuha yung notebook na inaabot sa kanya.


"Sorry lang. I was just trying to concentrate. Saan ba dito?" sagot nya kay Renzo.


May sinabi si Renzo kay Nate pero di ko na masyadong narinig kasi sinaksak ko na yung earphones ko sa tenga ko para makinig kay Yiruma. Pinagmamasdan ko silang dalawa habang tinuturuan niya si Renzo.


Nasa library kami ngayon para mag-aral para sa Finals. Pagkatapos kasi ng bonggang Palaro namin, naisipan ng mga matatalino naming prof na mag final exams na para daw maaga ang sembreak. Kaya kami andito ngayon, well, it wasn't my idea. It was Nate's.


Nilibot ko yung paningin ko sa library at hinanap ang matandang librarian. Ipinagbabawal kasi yung pag e-earphones dito. Nang hindi ko siya mahagilap, binaling ko yung paningin ko sa mga kasama ko ngayon.


Bukod sa kanila tatlo, nadagdagan na ang mga kaibigan ko. Sabi kasi nila, magmumukhang tomboy daw ako kung palaging sila ang kasama ko kaya kailangan ko daw makipagkaibigan sa mga tulad kong babae. They made a point, actually kasi alam ko naman na di ko sila pwede isama kahit saan ako pumunta. Eventually, hindi parin ako pumayag kasi alam kong mahihirapan akong mag adjust at di ako masyadong magaling makipagkaibigan sa ibang tao. Naalala ko pa yung pag uusap namin sa canteen last week.


"Huy, Ellaine. Wala ka bang balak kilalanin ang mga classmates natin?" tanong ni Nico, all of a sudden.


"Kilala ko na kayo, okay na yun." bored kong sagot. Nagtataka ako kung bakit bigla na lang siyang magtatanong ng ganun pero winalang bahala ko na lang kasi sarap sarap ako sa kinakain ko.


"Hindi lang naman kami nag classmates mo." dagdag ni Renzo.


"Alam ko." tipid kong sagot.


"Alam mo naman pala, so bakit nga di mo sila i-try kaibiganin or kilalanin?" Si Nate naman na kaharap ko ang nagsalita ngayon.


Tinapos ko na yung pagkain ko at uminom ng tubig saka ko sila hinarap. Nakatingin silang tatlo sakin na para bang may nagawa akong masama. Ano bang problema ng mga 'to? Medyo naiinis na ako sa kanila.


"Alam nyo kasi guys, kung nag sasawa na kayo sa'kin, sabihin nyo lang. Di ko ipagpipilitan sarili ko sa inyo. Peksman." natatawa na parang naiinis kong sabi. I didn't bother look at their facial expressions. I stood up as I prepare to leave but Nico stopped me.


"Teka, san ka pupunta?"


When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon