Chapter VIII. Lights Out

53 6 0
                                    


Me : Hello?


Other line : Haaazeeel!


Nilayo ko sa tenga ko yung cellphone. Nasa ibang timezone ba 'tong tao na 'to? Gabi na tapos nag sisigaw siya. Kakahiya sa kapitbahay nila.


Me : Nate! Ano ba? Di ako bingi! Wag ka sumigaw.


Nate : Sorry. Na excite lang. Akala ko kasi di mo sasagutin.


Me : Ah. Okay. Bakit nga pala? 


Nate : Teka nga muna, okay na ba tayo?


Tayo. Pinaulit-ulit ko yang salita na yan sa utak ko. Tayo. Tayo. Tayo.  Di ko alam kung bakit pero parang bumilis yung tibok ng puso ko. Ano bang meron sa salitang tayo, Ellaine?


Me : Anong klaseng tanong yan, Nate? Pinahiya mo 'ko kanina, alam mo ba yun?


Nate : Hindi kaya! Malay mo ma-discover tayo ng ABS-CBN dahil sa galing natin. Nagpalakpakan kaya ang mga tao. Hahahaha.


Me : Oo na lang, Nate.


Nate : Pero seryoso nga, okay na?


Me : Ay hindi, Nate. Hindi.


Nate : Hazel naman e!


Me : Okay na nga. Ang kulit.


Huminga ako ng malalim. Nakaupo parin ako sa kama ko at nakatitig sa kawalan. By kawalan, I mean darkness. Brown out parin kasi.


Nate : YEEEES!


At muli na naman siyang sumigaw. Ang kawawang mga tenga ko, jusko!


Me : Nate! Ano ba! Wag ngang sisigaw, diba?


Nate : Oo nga pala. Sorry. Sorry.  Ano na pala ginagawa mo?


Me : Teka nga muna, Nate. Ba't ka nga tumawag? May kailangan ka ?


Ito kasi yung unang beses na tumawag sa'kin si Nate. Sa text tsaka chat lang kasi kami naguusap minsan. Yung mga pinaguusapan namin dun, tungkol lang din sa mga requirements namin sa school. Posibleng may kailangan siya ngayon o may itatanong o magpapatulong o---


Nate : Wala naman. Ano na nga ginagawa mo ?


Wala naman? Tatawag ng walang dahilan. Wow, Nate. Claps for you.


Me :  Wala naman? Ay. Miss mo ako 'no? Wag ka mag-alala, Nate. Magkikita parin tayo next week. Saka mo na lang ako i-miss pag sembreak na. Hahahahaha.

When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon