"Ano na plano mo ngayon?"
Andito parin kami sa may garden. Di ko kasi alam kung ano talagang tawag dito kaya garden na lang. Sooner or later, tambayan na ang magiging tawag namin dito.
"Hindi ko alam." malungkot nyang sagot.
Base sa mga sinabi nya kanina, alam kong di nya kayang makipaghiwalay kay Abigail. Di din siya pwedeng makipaghiwalay kasi hindi man din sila. Nasa kanya lang talaga yung huling desisyon.
"Anong hindi mo alam?" tanong ko sa kanya.
Tiningnan nya ako. "Hindi ko talaga alam, Ellaine. Sorry." Yumuko siya at muling tinitigan yung cellphone nya. Nagsisimula na naman tumulo yung mga luha nya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Sinilip ko kung ano yung tinitingnan nya sa cellphone nya, Pictures nila ni Abigail.
"Di ko alam kung saan ako magsisimula. Di ko siya kayang kausapin." Nakatitig parin siya sa cellphone nya habang sinasabi yun.
"Alam mo kung saan magandang magsimula? Idelete mo kaya yang mga pictures na yan. Mas lalo mo lang sinasaktan yung sarili mo kapag patuloy mo parin yang tinitingnan." sabi ko.
"Pero ..."
"Walang pero-pero! Akin na nga yan!"
Hinablot ko mula sa kamay niya yung cellphone. Isa-isa kong dinelete yung mga pictures nila. Nang matapos na ako, sinauli ko na sa kanya.
"Kilala mo ba yung kasama nya?" tanong ko.
Umiling lang siya. "Sabi nya, pinsan nya yung kasama niya ngayon."
"Mukha bang pinsan nya yun? Ano ba naman yan, Vance! Mag-isip ka nga!" Konting-konti na lang talaga. Napupuno na ako sa kanya.
"Paano nga kung pinsan nya yun, diba? Ganun lang talaga sila ka-close? Di ko kasi tiningnan nang mabuti tsaka di naman kasi siya nagsisinungaling sakin, Ellaine." Tumayo siya at naglakad-lakad.
"Anong hindi tiningnan ng mabuti?! Kung nakakamatay lang yung tingin, napatay mo na sila!" sigaw ko sa kanya. "At tsaka pinsan ? Seriously, Vance? Sinong pinapaniwala mo? Ako o yang sarili mong tanga?! I don't want to be rude kaya umayos ka nga, Aragon! Hindi ka mahal nung babaeng yun!" sigaw ko sa kanya.
Naglakad siya palayo at lumapit sa may trashcan. Tumigil siya sa harap nun.
"Vance! Ano ba! Bumalik ka nga rito!"
Nagulat ako nang bigla nyang sinuntok yung basurahan. Baliw pala 'to e! Ang tigas kaya nun! Tumakbo ako papalapit sa kanya. Humarap siya sakin.
"Ang sakit." natatawa niyang sabi.