Chapter X. Thoughts

19 4 0
                                    


The only hands that I would want to hold are yours.


Yours.


Yours.


Yours.


Mga isang daang beses ko ata inulit-ulit sa utak ko yung laman ng text niya. Ano daw? Mga kamay ko lang ang gusto niya hawakan? Tsaka hindi daw ako dapat magalit? Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Yung para bang gusto nyang lumabas sa dibdib ko. Nakisama pa 'tong hangin sa paligid. Nawalan ata ng oxygen content. Ang hirap hirap huminga. Ano ba, Nate? Di na talaga kita maintindihan.


Pero let's face it. Hindi naman ako ganun ka-dense para hindi maintindihan yun pero ayoko mag-assume. Ayoko talaga mag-assume. Tsaka baka joke lang pala 'to? Edi napahiya pa ko kung nagkataon. 


Binasa ko ulit yung text niya."The only hands that I would want to hold are yours but I won't do it unless you tell me to, Hazel." Mukhang nag bibiro nga talaga siya. Pero ano naman ang dapat kong ireply? Sasakyan ko ba yung trip nya o ano? Dapat pa ba akong magreply o hindi na? Tatanungin ko ba sya kung totoo ba yun o hindi? 


No, Ellaine. That would be pathetic. 


Hindi ko dapat siya tanungin kung totoo ba yun o hindi kasi iisipin niya na bi-nigdeal ko yung text nya. Kung di naman ako magrereply, ganun parin ang iisipin nya. So, dapat sakyan ko talaga yung trip niya. Nag reply ako ng,


"Ha. ha. ha. ha. ha. ha. Nate. Kikiligin na ba ako, Nate?"


Naghintay ako ng reply nya. 1 minute, wala parin. Baka maingay sa highway. Di niya narinig yung message tone.


2 minutes.


3 minutes.


5 minutes.


10 minutes.


15 minutes.


15 minutes na ang lumipas, wala paring reply. Baka nasa bag ang phone nya, magrereply yun mamaya pag nakauwi na siya. Tinext ko na lang siya ng "Ingat". Nilabas ko na lang yung novel sa bag ko at nagbasa. Medyo malayo-layo pa ang bahay namin.


Di ko parin mapigilang hindi i check ang cellphone ko para sa reply ni Nate habang nagbabasa. Grabe ha. Di pa talaga niya binabasa yung reply ko? Ang tagal na kaya nun. Pero teka nga, bakit ba 'ko concern na concern sa magiging reply niya? I decided to shake the thought away. Malapit na pala yung bahay namin. Pumara na ako at bumaba. Dadaan muna ako sa beach para manood ng sunset bago ako tutuloy sa bahay.


Umupo ako sa isa sa mga cottages doon. Tiningnan ko ulit yung phone ko. Wala parin. Napabuntung hininga ako. Di ko na talaga siya maintindihan. Minsan ang bait-bait niya. Yung tipong halos lahat ng gusto ko, nabibigay niya. Madalas naman, para siyang Tatay ko sa sobrang strict. Ayaw na ayaw niya yung gumagawa ako ng kalokohan. Tapos heto. Itong side na 'to. Yung bigla bigla na lang siyang magiging sweet or whatever you call it. 

When Love ArrivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon