Napalingon si Rhi sa cellphone niya ng mag ring ito. Napakunot noo siya. Hinayaan niya lang iyon mag ring ng mag ring at pinagpatuloy ang pag gawa ng smoothie. Sunday ngayon kaya wala siyang planong sumagot ng kahit sino man na alam niya ang sadya ay tungkol sa trabaho. Nilingon niya ulit ang cellphone niya ng mag ring na naman ito. Actually si Chyn ang tumatawag. Kaibigan niya mula high school. Partner niya din sa negosyo. Kaya ayaw niyang sagutin ang tawag nito dahil alam niya na ang sadya nito. About business. Akmang e-o-off na niya ang cellphone ng magtext ito. Binasa niya ang text nito.
"Si Glai, uuwi na sa Pilipinas,"
Bigla niyang nabitawan ang cellphone niya pero maagap din niya namang nasalo bago pa tuluyang mahulog. Agad niyang tinawagan si Chyn na agad din naman nitong sinagot.
"O ngayon bigla bigla kang tatawag," sita nito sa kabilang linya.
"Chyn ano iyong text mo?" Kunot noong tanong niya.
"Di mo ba nabasa? Uuwi na si Glai," excited na tugon ni Chyn.
"P-paano mo nalaman? I mean, diba wala na naman tayong balita and communication sa kanya?" Kunot noong tanong niya.
"Yeah, pero alam niya kung paano tayo ko-contact-kin. And nag mail siya sa akin," proud na pag kasabi ni Chyn.
"Sige nga, paano mo naman nalaman na si Glai nga yang nag mail sayo?" Hamon niya dito.
"Dahil kahit 7 years na ang nakalipas.... hanggang ngayon kilala ko parin ang handwriting ng best friend ko," paniniguro nito sa kanya.
Hindi siya nakasagot.
"Gusto niyang sunduin ko siya sa airport," dugtong nito ng hindi siya sumagot.
"K-kailan naman?" Tanging nasagot niya.
"Next week... mag mi-mail lang daw siya ulit sakin. May inaayos padaw kasi siya sa Japan."
Hindi na naman siya sumagot. Ang daming pumapasok sa isip niya ngayon.
"Rhi... siguro naman sa loob ng seven years handa ka na... I mean kayo ni Glai na magkita muli. Tutal iyong nangyari 7years ago dala lang iyon ng kabataan natin. We're all matured enough now.."
Napabuntong hininga siya. Handa na nga ba siya. "Thanks Chyn.." pagkasabi nun ay ini off na niya ang cellphone niya. Muli siyang napabuntong hininga at tumitig sa kawalan.
==========
Nakatakda na ang pag uwi sa Pilipinas ni Glai. 7years din siyang naninarahan sa Japan para makalimot sa nangyari dati. Sinulatan niya si Chyn. Dahil ito lang ang bukod tanging pinagkakatiwalaan niya. Ito lang din ang bukod tanging dumamay sa kanya dati.
"Babe are you okay?"tanong ni Soln sa kanya.
Nilingon niya ito. Saka ngumiti.
Lumapit naman si Soln sa kanya saka hinawakan ang pisngi niya. "Are you okay?" Nag aalalang tanong nito.
Ngumiti na naman siya saka hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa pisngi niya. "I'm okay babe,"
"Sigurado ka?" Paniniguro nito.
"Hmm... Actually hindi." Tugon niya.
"I knew it. So tell me ano pinoproblema ng babe ko?... hmm?" Tanong nito.
"Talaga bang hindi ka sasama sa akin sa pag uwi sa Pilipinas?" Malumanay niyang tanong.
"Babe gustuhin ko man alam mong hindi maaari. Marami akong commitments na di ko pwedeng isan tabi," paliwanag nito.
She take a deep breath. "Okay.. I understand babe. Anyway hindi naman ako mag tatagal dun e. Babalik din ako agad dito,"
Umiling si Soln. "No babe. I want you to enjoy you'r vacation. Huwag kang mag madali okay?"
Nginitian niya lang ito. Pero naisip niya. Wala na din namang dahilan para mag tagal siya sa Pilipinas. Dahil bukod sa nag iisang anak lang siya. Matagal na din siyang itinakwil ng mga magulang niya mula ng malaman ng mga ito na lesbian siya.
=========
Masayang pinagmasdan ni Glai ang paligid sa labas ng airport. Well ikanga nila 'no place like home'. Napaaga ang uwi niya sa Pilipinas dahil naayos niya ng maaga ang mga kailangang ayusin sa Japan. With the help of Soln of course. Isang buwan lang ang plano niyang mag bakasyon dito sa Pilipinas. Hindi niya gusto na mag isa lang si Soln sa Japan. Pumara siya ng taxi at ibinigay ang address sa driver. Napangiti siya. Hindi kasi alam ni Chyn na ngayon siya darating. Ang alam lang nito ay next week pa. Buti nalang at nakita niya sa internet ang website ng kompanya nito pati na ang address. At doon nga siya patungo ngayon. Gusto niya itong e surprise.
30mins lang itinagal ng byahe. At ngayon nga ay papasok na siya sa building kung saan nandoon ang office ng kaibigan. Syempre dala dala niya ang maleta niya. Lumapit siya sa may reception area at nag tanong.
"Excuse me, anong floor ang office ni Chyn Ortaleza?" Tanong niya. Hindi kasi nakalagay sa website nito.
"Ma'am sa 15th floor po," magalang at nakangiting tugon nito.
"15th floor? Okay thank you," nakangiti niya ring tugon.
Nag lakad na siya patungo sa elevator. Sakto namang bumukas iyon at lumabas ang ilang empleyado. Pumasok na siya saka pinindot ang no. 15. Akmang sasarado na ang pinto ng elevator ng may biglang sumigaw at hinarang nito ang kamay sa gitna para mapigilan ang tuluyang pag sara ng pinto. Muli iyong bumukas.
"Thank God naabutan ko," wika ng babae habang nakayuko at inaayos ang mga gamit. Humakbang na ito papasok. Pero bigla ring natigilan ng mapaangat ito ng mukha at tumitig sa kanya. Halata sa itsura nito ang pagka gulat.
Maging siya ay ganon din ang reaction niya. Hindi niya akalaing makikita niya ito dito ngayon. Kahit 7years na ang lumipas ay halos wala itong pinagbago. She still have those expressive eyes.. mas pumayat nga lang ito o mas angkop sabihin na mas naging sexy kaysa dati. Ilang segundo din silang nagkatitigan.
========
Napaatras si Rhi mula sa paghakbang papasok sana sa elevator. Of all people sa building na ito hindi niya lubos akalaing makikita niya si Glai dito mismo sa elevator. Akala niya next week pa ito darating. Well iyon din naman kasi ang sabi ni Chyn sa kanya. So ano ang ginagawa nito dito ngayon. It's either nagsinungaling si Chyn sa kanya o napaaga lang talaga ang uwi nito. Hindi pa siya handa. Dapat nasa Japan pa ito. Ngayon pa lang siya magpapaalam sana kay Chyn na mag li-leave muna siya sa trabaho para maiwasan si Glai pag nakauwi na ito. Pero mukhang tadhana na yata ang gumagawa ng dahilan para magtagpo muli sila.
Iyon na yata ang pinaka matagal na segundong nangyari sa buhay niya. She took the chance para matitigan ito. Ang laki ng pinagbago nito. Mula sa mahabang buhok dati, ngayon ay hanggang leeg nalang ang iksi nun at may bangs pa. Taglay pa din nito ang mga mata na kung makatitig tagos sa buto. The killer eye. Naghahalo ang pagiging feminine nito at the same time pagiging astig and sophisticated. Alam niyang maganda na ito dati. Pero mas gumanda pa ito lalo ngayon. Unti unti na ding sumasara ang pinto ng elevator pero di parin nila inaalis ang tingin sa isat isa. Hanggang sa sumara na nga ito ng lubusan. Doon lang siya huminga ng malalim at para bang naubusan ng lamig ang aircon sa building na iyon at ipinaypay niya sa mukha ang hawak hawak na folder.
"Shit," mura niya habang nakatitig sa nakasarang elevator.
Ano na ang gagawin ni Rhi ngayon knowing na nakabalik na si Glai sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Second Chance
FanfictionWalang matagal na panahon sa dalawang taong totoong nag iibigan.. Sa kabila ng mga pinag daanan.. Love will still find ways..