Chapter 3

1.2K 59 0
                                    

7 years ago...

Masaya si Glai habang inaayos ang mga balloons na naka shape of hearts. Isang linggo din ang ginawa niyang preparation para sa surprise niyang ito. Kanino? Edi sa babaeng tumanggap at nagmahal sa kanya ng totoo. Si Rhi. 1st anniversary nila bilang mag girlfriend. Kaya gagawin niya ang lahat para maging especial ang araw na ito. Huminga siya ng malalim saka pinagmasdan ang kabuoan ng ginawa niya. Napangiti siya, saka nilingon si Chyn na di pa pala tapos sa pagkalat sa mga red and white rose petals sa sahig.

"Hoy, kanina ka pa dyan, di ka parin ba tapos?" Sita niya dito.

"Sandali lang naman, kahit ikakalat lang ang mga ito dapat perpekto parin," tugon nito. Pagkuway tumayo na ito at hinarap siya.

"Chyn sa tingin mo magugustuhan kaya niya ito?" Kinakabahang tanong niya.

"Ano ka ba? Malamang.. kaya relax okay? Sigurado ako yung saya ni Rhi pag nakita to abot hanggang langit!" Masayang sabi nito.

Ngumiti na rin siya at inalis na ang kabang nararamdaman. Naalala niya hindi naman mahirap pasayahin ang nobya. Tumingin siya sa wristwatch niya 20mins nalang para mag alas sais ng gabi. May oras pa siya para maghanda sa sarili.

"O paano alis na ako? Baka papunta na dito si Rhi," sabi ni Chyn sa kanya.

Tumango lang siya saka nilapitan ang kaibigan at niyakap ito ng ubod ng higpit. "Thanks Chyn,"

"Sus... maliit na bagay," nakangiting tugon nito. Saka gumanti din ng yakap. "Basta kwentuhan mo ako mamaya ha, kung ano ang mangyayari sa date niyo na ito, baka ngayon ka na din maka... hmm you know na," humagikgik ito. At kumawala sa pagyakap.

"Kadiri ka!" Kunway sigaw niya dito.

"Anong kadiri? Bakit parte naman ng pagmamahal ang ano ah," tugon nito.

"Anong ano ha?"

"Yung ano..nga," tumatawa na ito.

"Baliw! Umalis ka na nga," tumatawa niya ring tugon dito. Pero napaisip din siya sa sinabi nito. Handa na naman siya sa bagay na iyon e, pero iniisip niya si Rhi. Kaka 18 lang nito baka hindi pa ito handa sa ganong bagay. Ayaw niya naman ito madaliin. Pasasaan ba at mapupunta rin sila bagay na iyon.

"Basta kwentuhan mo ako mamaya okay?" Sabi nito habang naglalakad papunta sa pinto.

"Oo na! Sige na umalis kana," tugon niya sa kaibigan. Tumalikod siya at kinuha ang gitara. Napangiti siya. Isa kasi sa surprise niya ay ang haranahin si Rhi.

Kinuha na ni Chyn ang bag nito at binuksan na ang pinto. "Rhi!?"

Napalingon siya ng marinig niyang sumigaw si Chyn. Inilapag niya ang gitara at dali dali siyang lumakad papunta sa pintuan. "Oh, MK bakit nandito ka na?" Humarang siya sa pinto saka pasimpleng tinulak si Chyn para makalabas na ng tuluyan. Lumabas na din siya at isinara ang pinto.

Hindi sumagot si Rhi. Nilingon nito si Chyn. Halata din sa itsura nito na parang malungkot.

Parang naintindihan naman iyon ni Chyn at nag paalam na itong aalis.

Ng sila nalang dalawa ni Rhi ay muli siyang nagtanong dito. "MK diba sabi ko saktong alas sais ka pupunta dito?" Malambing niyang tanong.

======

Kahit hirap na hirap na ang kalooban ni Rhi ay pilit siyang ngumiti kay Glai. "Uhm... wala na din kasi akong gagawin e, kaya pinasya kong pumunta dito ng maaga." Tugon niya sa tanong nito.

"Sana tinawagan mo na muna ako," nakangiting wika nito.

"Sorry," tanging nasabi niya.

"It's okay. Hmm.. total nandito ka na rin lang, may ipapakita ako sa iyo... pero pikit mo na muna mata mo," excited nitong tugon.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon