Chapter 10

1.1K 62 4
                                    

"Chyn..... sabihin mo ang totoo. Ano ba talaga ang nangyari dati ha? Ano ang totoong dahilan kung bakit nakipag hiwalay si Rhi sa akin dati?... ano?!" Sigaw ni Glai.

FLASHBACK OF CHYN

Kasalukuyang nasa rooftop si Rhi. Tinatanaw niya ang paligid mula doon.

"Rhi."

Bigla siyang napalingon sa likod niya. "Chyn? Anong ginagawa mo dito?" Nahintatakutan niyang tanong. Paano, ano mang oras ay darating na si Jay. Her ex-boyfriend.

"Talagang hinanap kita. Tiempo naman nakita ka ng isang janitor na paakyat dito." Tugon nito.

"Umalis kana Chyn.. baka maabutan ka pa ni...." bigla siyang napahinto sa pagsasalita.

"Maabutan nino?" Kunot noong tanong nito.

"Wala.. basta umalis kana please." Pakiusap niya.

"Alam mo bang wala na si Glai." Hindi nito pinansin ang sinabi niya.

Siya naman ang napakunot noo. Bagamat hindi siya nagtanong.

"Pumunta na siya sa Japan." Sabi parin nito.

Sukat sa narinig ay parang gusto niyang magwala. Pero naisip niya mas mabuti na rin iyon. Pero di niya maiwasang masaktan. Tumalikod muli siya. "Wala na akong pakialam Chyn. Wala na kami."

"Wala ka ng pakialam? Ano iyon? Bigla mo nalang nakalimutan ang isang taon niyong pinagsamahan? At nakalimutan mo na agad siya sa loob ng isang buwan?" Di makapaniwalang tanong nito.

"Chyn!" Bigla niya itong hinarap. "Pwede bang umalis ka nalang..."

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi ang totoo Rhi. Alam kong mahal mo parin si Glai... pero ang di ko maintindihan ay kung bakit di mo iyon mapanindigan." Sagot nito.

Naiiyak na siya pero pinipigilan niya ang pagpatak mga iyon. "Dahil ayokong mapahamak siya!" Sigaw niya.

"Mapahamak saan? Kanino?" Tanong nito.

She paused for a while. "Kay Jay."

"Si Jay? Iyong ex mo?" Tanong parin nito.

Tumango lang siya.

"Anong kinalaman ni Jay sa relasyon niyo ni Glai? At bakit siya mapapahamak dito?" Naguguluhang tanong parin nito.

Matagal bago siya nakasagot. "Hindi matanggap ni Jay..... na...na nag kagusto ako sa kapwa ko babae." Sagot niya.

"Pero matagal na kayong wala ni Jay. Wala na siyang pakialam saiyo.. sa inyo ni Glai. Bakit hinahayaan mong kontrolin ka pa niya?" Tanong na naman nito.

"Binalaan niya ako Chyn! Na kung hindi ko hihiwalayan si Glai.... ipa-papatay niya ito... kaya wala akong choice!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

Napahinto ito sa narinig. "Paano ka naman nakakasiguro na magagawa niya nga iyong ganyang bagay?"

"Dahil kilala ko siya. At pag sinabi niya.. gagawin niya ng di man lang magdadalawang isip pa. Matagal na akong binubulabog ni Jay sa mga banta niya. Nung una binabalewala ko lang, naisip ko na tinatakot niya lang ako... pero... isang araw.. galit na galit na sinugod niya ako at pinakita ang mga pictures ni Glai..... Chyn, pinasusubaybayan niya si Glai, kahit saan ito mag punta. At kung di ko daw seseryusohin ang banta niya.. siya nadaw mismo ang gagawa ng paraan para mawala sa landas ko si Glai." Paliwanag niya.

"Bakit di ka magsumbong sa mga pulis?" Tanong nito.

"Sa tingin mo ba di ko iyan naisip Chyn?" Sagot niya dito. "Pero kilala ko si Jay.. bago ko paman nagawa na mag sumbong naunahan niya na ako sa plano niya.. and hindi ko kayang isakripisyo ang buhay ni Glai.."

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon