Chapter 2

1.4K 69 0
                                    


Pawis na pawis na si Rhi sa kakasuntok sa punching bag niya. Nasa mini gym siya ng condo niya. Sunod sunod ang pagsuntok niya ng bigla siyang mapahinto. Bigla nalang kasi lumitaw ang mukha ni Glai sa punching bag niya. Napapikit siya ng mariin. Pagdilat niya ay ang kulay itim na punching bag ang tumambad sa kanya. Nag ha-hallucinate na yata siya. Huminga siya ng malalim saka buong lakas na sinuntok ang punching bag.

Humihingal na napalingon siya sa may pinto ng may nag doorbell. Napakunot noo siya. Saka tinanggal ang suot suot na gloves. Kinuha niya ang towel niya at pinunasan ang pawis sa mukha at uminum ng tubig sa tumbler. Saka nito tinungo ang pintuan at binuksan.

"Bruha ka!" Sigaw ni Chyn sa kanya. At nag martsa pa ito papasok.

Itinirik niya ang mga mata saka sinara ang pinto at hinarap ito. "What brings you here, Chyn?"

"What brings me here? Haler! Isang linggo ka lang namang hindi nag re-report sa opisina at pinag hahanap ka na ng iba pa nating kliyente," sita nito sa kanya. "Akala ko nga nasa Mars kana e. Kasi pati cellphone mo di ko macontact," dagdag nito.

Umiiling na tinungo niya ang kitchen at sinundan naman siya nito. "Anong gusto mong inumin?"

"Rhi, ano ba? Hindi ako nag punta dito para maki inum okay?" Tugon nito.

Tinitigan niya ito. "At hindi ka rin nag punta dito para lang sitahin ako about sa mga kliyente," itinukod niya ang mga kamay sa counter ng kitchen niya. "So tell me......, kumusta siya?" Patukoy niya kay Glai. 1week na din kasi ang nakalipas mula nung tagpo nilang dalawa sa elevator. Mula din nun ay iniwasan na niya muna pumunta sa office at maging si Chyn ay iniwasan na niya din muna.

Kumunot ang noo ni Chyn. "Sinong siya?"

Siya na man ang napakunot noo. "Si Glai..." tugon niya.

"Teka, alam mo na nakauwi na siya?" Mas grumabe pa ang pagka kunot noo nito.

"Uhm.....nahulaan ko lang. Diba sabi mo last week na uuwi na siya.... kaya naisip ko na, baka nagkita na kayo... so kumusta na siya?" Alibi niya. Napaisip siya. Hindi ba sinabi ni Glai kay Chyn ang nangyaring tagpo nila sa elevator? Mukha nga, dahil halata sa itsura nito ang pagkabigla ng kumustahin niya si Glai mula dito.

"Actually nung nakaraang linggo pa siya dumating.. hindi ko nga iyon ini expect e. Bigla na lang siya sumulpot sa office ko.. and guess what? Ang laki ng pinagbago niya.. well I mean sa physical na anyo. Pero sa ugali ganon parin." Tumawa ito.

Yumuko siya. Kung alam lang nito na nagkita na sila ni Glai ng hindi sinasadya.

"Hoy Rhi, pumunta ka bukas sa opisina marami tayong aayusin bago tayo aalis," sabi nito.

Napaangat siya ng mukha at tinitigan ito. "Aalis? Saan?"

Ngumiti ito. "Nagyaya kasi si Glai na mag out of town daw tayo. E hindi ko naman matanggihan dahil na miss ko din naman iyong best friend ko.. kaya para wala tayong magiging problema pumunta ka bukas. 1week din kasi tayong mawawala," paliwanag nito.

"But----"

"No but's. So mag prepare kana dahil sa makalawa na tayo aalis. And please lang, siputin mo ako bukas sa opisina dahil kung hindi mapipilitan na akong magpalit ng partner," banta nito sa kanya.

Hindi siya kinabahan sa banta nito. Mas kinakabahan siya sa muli nilang pagkikita ni Glai at posible pang magsama sila sa buong isang linggo. Knowing Chyn hindi nga siya makaka hindi dito. Pero in positive side, naisip niya na mabuti na rin siguro na magkita at magkausap sila. Para na rin maayos nila o maayos niya ang gusot na ginawa niya dati..

=======

Kinabukasan nga ay pinuntahan ni Rhi si Chyn sa opisina. Dala dala ang mga reports na nabinbin dahil sa hindi niya pagpasok. Nagmamadaling naglakad siya patungo sa isang elevator dahil nakita niyang bumukas iyon. Nakaramdam siya ng dejavu. Iniharang niya ang kaliwang kamay para mapigilan ang tuluyang pag sara nun at muli nga iyong bumukas. Pero ganon nalang ang gulat niya ng makita kung sino ang nag iisang sakay ng elevator na iyon. Si Glai lang naman. Maging ito ay halata din ang pagkagulat. Talaga bang ganito nalang lage? Sa tuwing magkikita sila? Sa elevator nalang lage? At sa ganito pang sitwasyon. Ano ba meron sa elevator na ito at palage nalang silang nagtatagpo dito. Humakbang na naman siya paatras. At unti unti na namang sumasara ang pinto ng elevator. Pero ganon nalang ang pagkabigla niya ng pigilan nito ang pinto bago iyon tuluyang mag sara.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon