Chapter 6

1.1K 65 0
                                    


Tanghali na ng makabalik sa cottage si Rhi. Pinag-pahinga na muna kasi siya sa clinic sa naturang resort.

"Are you sure you okay?" Nag aalalang tanong ni Glai kanya.

Tumango lang siya saka ngumiti. Actually yung puso ko ang hindi okay eh. Kanina mo pa kasi ako tinititigan.. gusto niya rin sanang sabihin. "Guy's okay na ako kaya don't worry okay?" Assurance niya sa dalawa.

"Rhi ano ba talaga nangyari ha? Bakit bigla ka nalang nag palutang lutang sa dagat?" Sita ni Chyn sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago umayos ng upo sa kama niya. Isinandal niya ang likod. "I don't know. Basta ang alam ko lang lumalangoy ako.... hmm siguro nakatulog ako.. ganon nga siguro nangyari..." nagsasabi naman siya ng totoo. Di kaya siya suicidal na babae.

"Nakatulog habang lumalangoy? Wow! Ano tingin mo sa sarili mo? Serena?" Wika parin ni Chyn.

"Sorry okay? Di ko talaga alam kung bakit ako nawalan ng malay," tugon niya.

"Tama na nga iyan. Ang importante okay ka na Rhi," awat ni Glai.

"Hindi ko ginusto yung nangyari. Hindi ko intention na pag-alalahanin kayo," paliwanag niya parin.

"Nangyari na ang nangyari Rhi. Sa susunod mag iingat ka na.. pinag alala mo kami," tugon ni Chyn sa kalmado ng tinig.

Tumango lang siya. Ng biglang may maalala. "Diba ngayon ang schedule para sa island hopping?"

"Hindi na tayo matutuloy," tugon parin ni Chyn.

"Ha bakit naman? I mean okay na ako.. sayang ang araw," tugon niya.

"Pag a-island hopping parin ang iniisip mo e kamuntikan ka na ngang mamatay kanina. Kung di sana sa kagagahan mo ay baka kanina pa tayo nag lilibot dito," sermon na naman ni Chyn sa kanya.

"Precisely 'kanina'." Talagang ini-emphasize niya ang word na kanina. "Kanina iyon. Ngayon okay na ako, kaya ko na."

"You need to take a rest Rhi. Bukas na lang natin gawin ang dapat na gagawin natin ngayong araw," wika naman ni Glai.

"So ako parin pala inaalala niyo. Ilang beses ko bang sasabihin na okay na ako. Ayoko namang masira ang schedule natin ngayong araw na ito. Mas bumibigat kasi ang pakiramdam ko knowing na dahil sa akin hindi tayo matutuloy," paliwanag niya sa dalawa. "Kaya please... kalimutan na natin ang nangyari kanina. The more kasi na pinagpapahinga niyo ako the more ko lang din maaalala iyong nangyari kanina. So please ituloy na natin iyong pag a-island hopping," pakiusap niya.

Nagkatinginan lang sila Glai at Chyn.

======

Walang pagsidlan ang saya ni Rhi ng makumbinsi niya sina Glai at Chyn. Sa katunayan ay parang walang nangyaring trahedya sa kanya dahil masaya nilang nilibot ang mga isla. At hindi sila maubusan ng pictures. Every spot na sa tingin nila ay maganda at kakaiba ay di pwedeng di nila mapicturan. Nag silbi na rin iyong therapy sa kanya para makalimutan kahit papaano ang nangyari kanina.

Mag gagabi na ng maka balik sila sa cottage nila. Napag kasunduan din nilang tatlo na di na pag uusapan ang nangyari kaninang umaga. Move on ikanga. Habang nasa loob ng cottage si Rhi ay di siya mapakali. Habang sila Glai at Chyn ay nasa terrace at masayang nag uusap. Ang akala ng mga ito ay nagpapahinga na siya. Kaya di na nag abala pa ang mga ito na yayain siya sa terrace. Bago paman mag bago ang isip niya ay agad siyang lumakad palabas ng terrace. Sabay pang napalingon sila Glai at Chyn.

Di na siya nag dalawang isip pa. Bahala na si Batman. "Uhm.. Glai?.......pwede mo ba akong samahan mag lakad sa dalampasigan?"

Nakita niya na nagulat ito sa tanong niya. Maging si Chyn ay ganon din ang reaction. Di nito ini expect na mag lalakas loob siyang yayain si Glai. Kaya nga bahala na si Batman diba.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon