Chapter 8

1K 66 3
                                    


"Babe!" Sigaw ni Soln. Sabay tayo sa kinauupuan nitong sofa. At patakbong nilapitan si Glai. At hinalikan ito sa mga labi

Parang natuklaw ng ahas si Rhi sa nasaksihan. So ito pala si Babe. Parang gustong magwala ni Rhi. Ano to biro?

"B-Babe..." di makapaniwalang tugon ni Glai.

"Na surprise ba kita?" Tanong ni Soln habang nakayakap parin kay Glai.

Oo. Talagang na surprise ako! Gusto sanang isigaw ni Rhi. Di niya alam kung ano ang ikikilos. Para siyang ice na nanlalamig sa tigas habang umuusok pa.

"Yeah... na surprise... a-ako... babe." Nagkanda utal utal na tugon ni Glai. "I thought... hindi ka makakasunod dito sa Pilipinas?"

"Well.. kung gugustuhin may paraan naman diba? And I missed you so much!" Malambing na wika nito.

"I-I missed you... too B-babe," palihim itong lumingon kay Rhi pag kasabi nun.

Tumikhim si Chyn na mababakasan din ng gulat sa mukha. "Ehem...Di mo naman sinabi Glai, na darating girlfriend mo ngayon. Di sanay nakapag handa kami ni Rhi," wika ni Chyn. Talagang diniinan pa nito ang huling sinabi. Double meaning kasi iyon.

"Actually hindi niya kasi talaga alam na darating ako." Si Soln ang sumagot. "Buti na nga lang naisave ko itong address ng kompanya niyo." Nakangiti nitong dagdag.

"Sana tinawagan mo na muna ako B-babe... para nasundo kita sa airport." Tugon naman ni Glai.

"Surprise nga diba. Kung tinawagan kita hindi na sweet itong tagpong ito." Di na yata mawawala sa labi ni Soln ang ngiti.

"Actually pati ako na surprise.." sabat na naman ni Chyn.

"Sorry. I remember kasi na ikaw ang nag iisang kaibigan ni Glai dito. So naisip ko na baka nandito siya at magkasama kayo. Kaya dito na ako dumaretsyo," sagot naman ni Soln.

"Ano ka ba, okay lang... mabuti nga yun eh. Nalaman namin na may magandang girlfriend pala itong si Glai." Tugon ni Chyn. Halata masyadong pina riringan nito si Glai. Paano di naman talaga nito sinabi na may girlfriend na ito. Kaya sino ba naman ang di magugulat.

"So you're Chyn..... and you're?" Bumaling si Soln kay Rhi.

Si Rhi na nanigas na ay di naka pag react.

"She's my friend... and partner ko sa business. She's Rhi," si Chyn na ang sumagot. Nilapitan nito si Rhi at inakbayan. To assure her na may karamay ito.

"I'm Soln.." nakangiti nitong sabi sabay lakad patungo kay Rhi at nakipag beso dito.

Dun lang natauhan bigla si Rhi.

"Ahmm Babe... I think we should go." Sabi ni Glai na ramdam ang tension sa paligid.

"No..."

Sabay na napalingon sila Glai at Chyn kay Rhi ng mag salita ito.

Si Rhi na matamang tinitigan si Glai. "Bakit di tayo mag dinner? Tayong apat?" Sabay baling kay Soln. "If it's that okay with you Soln?" Di niya alam kung paano niya nasabi iyon ng hindi man lang nautal. Well lakasan mo loob mo Rhi. Naramdaman niya din ang pag siko ni Chyn sa kanya.

"Yeah, actually that's a good idea. Right babe?" Sangayon ni Soln.

Hindi sumagot si Glai. Mataman lang din nitong tinitigan si Rhi.

"Babe?" Pukaw ni Soln kay Glai.

"Yes. Why not. Mag dinner tayong apat." Sagot nadin ni Glai. Sabay baling kay Soln at nginitian ito.

"Great. So let's go? Kotse ko nalang gamitin natin," tugon ni Rhi.

"Sige na Glai and Soln. Mauna na kayo sa baba. May aayusin lang kami sandali dito sa office ni Rhi. You know na..... business." Tugon din ni Chyn na may kasama pang kunting tawa. Pero ang totoo ay gusto lang nitong kastiguhin si Rhi dahil sa pag yaya nito kina Glai at Soln mag dinner.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon